Advertisers

Advertisers

12 KATAO, TIMBOG SA P4.5-M HALAGA NG DROGA SA SAN MATEO, RIZAL

0 11

Advertisers

Arestado ang labindalawang indibidwal matapos masamsam sa kanila ang mahigit P4.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Sto. Niño, San Mateo, Rizal noong gabi ng Hulyo 22, 2026.

Sa ulat na nakarating kay PRO4A (Calabarzon) PNP Regional director P/BGen. Dominic Baccay, kinilala ang mga suspek sa mga alyas na Madam, Self, Noer, Inag, Raffy, Jerome, Joan, Eva, Rizal, CJ, Onyok, at Orlan. Nakuha sa kanila ang anim na pakete na naglalaman ng kabuuang 661.98 gramo ng shabu. Isinagawa ang operasyon sa tirahan ni Madam bandang ika-9:26 ng gabi.

Kakasuhan silang lahat sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Kapag napatunayang nagkasala, maaari silang mahatulan ng habambuhay na pagkakulong at multang mula ?500,000 hanggang P10 milyon. (Edwin Moreno)