Advertisers

Advertisers

Dahil misis na…Pia di bet malosyang at makulong sa bahay

0 7

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NAGBIGAY ng advice ang 2015 Ms. Universe na si Pia Wurtzbach sa usapin ng pag-ibig, pag-aasawa at karera sa isang vlog.

May letter sender na humingi ng advice sa kanya tungkol sa responsabilidad niya sa sarili at sa magiging partner niya.



Ayon sa sender, napag-uusapan daw nila ng kanyang boyfriend  na lumagay na sa tahimik at magkaroon ng anak.

Gayunpaman, ang gusto raw ng kanyang nobyo ay pumirmi lang siya sa bahay para maging stay-home mom at alagaan ang kanilang kids.



Payo ni Pia, kung siya raw ang masusunod, ang mga bagay na tulad nito ay pinag-uusapan bago pa man lang patali ang isang babae sa kanyang future hubby.

Sa tulad daw niyang career-oriented, di rin daw niya bet na makulong sa bahay o malosyang.



Gayunpaman, willing daw naman siyang mag-alaga ng kanilang kids.

Kumbaga, ang lahat daw naman ng bagay ay nadadaan sa kumpromiso o meeting halfway.

Pinayuhan din ni Pia ang sender na sundin ang kanyang puso kung sakaling gusto nitong ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Sa sender namang humingi ng advice tungkol sa ex ng mister na mas maganda at ever visible sa buhay ng kabiyak, aniya, naiintindihan daw niya ang insecurity na nararamdaman nito.

Sa tanang kanya raw, bet daw niyang kaibiganin ang ex ng mister para mawala ang insecurity na nararamdaman niya rito.

Nagpayo rin si Pia tungkol sa mga bagay na dapat ikunsidera bago pa man pumasok sa pag-aasawa.

Sa simula pa lang daw ng relasyon ay malinaw na dapat ang pag-uusap tungkol sa pananalapi, pagkakaroon ng anak o maging relasyon sa mga kamag-anak.

Importante raw na matalakay ang tungkol sa plano kung ilang anak ang gusto, ang usapin tungkol sa mga gastusin sa bahay at iba pa.

Dapat din daw ay nasasama ang opinyon sa pag-aampon kung sakali itong naging opsyon.

Pati raw  iyong pagtira ng kamag-anak o magulang sa poder nila kung sakaling may maulila ay di rin dapat tini-take for granted.

Tungkol naman sa sender na breadwinner ng pamilya na nananawa nang suportahan ang kanyang pamilya at bet magkaroon ng sariling buhay,aniya, feel daw niya ang pinagdadaanan nito.

Advice niya, naaayos daw naman ang lahat sa mabuting usapan.

Gayunpaman wala na raw hihigit sa pagiging tapat at sinsero bagama’t hindi raw ito magiging madali.