Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
SOBRANG flattered si Jennylyn Mercado na hinintay siya ng GMA at hindi pinalitan sa seryeng Love. Die. Repeat.
Tulad ng alam natin, itinigil ang taping ng nabanggit na serye dahil nabuntis si Jennylyn at nanganak noong April 25, 2022 sa anak nila ni Dennis Trillo na si Baby Dylan.
At iyon na nga, sa halip na maghanap ng kapalit na aktres ay hinintay si Jennylyn ng GMA na manganak hanggang maging handa na siyang muling magtrabaho.
“Naging patient sila, thankful ako sa kanila kasi talagang, Diyos ko, ang tagal ng dalawang taon, di ba,” umpisang bulalas ni Jennylyn.
“Parang ang dami na nilang puwedeng gawin, di ba?
“And siyempre, nagpapasalamat ako sa GMA, kina Xian [Lim], sa mga co-artists ko, sa buong production dahil inantay pa rin nila ako kasi puwede namang iba na lang, palitan nila ako pero inantay pa rin nila ako para mangyari itong show na ‘to, so thank you.”
Hindi raw naging madali ang pagbabalik niya sa harap ng kamera.
“Mahirap lang yung may konting pressure lang sa akin kasi kailangan kong bumalik doon sa dati kong itsura, kung paano ko siya sinimulan.
“Kasi ang hirap naman, nakakatawa naman yung nasa loob ka ng room yung eksena, paglabas mo ang taba, di ba?
“Yung parang may konting pressure na kailangan kong ibalik ‘yung dati kong figure, kailangan kong ibalik yung dati kong itsura.
“Pero wala naman naging major adjustments kasi sila-sila naman naging kaibigan ko naman sila. So happy ako na nag-resume ulit kami, okay naman lahat.”
Nasa cast din ng Love. Die. Repeat. sina Xian Lim, Mike Tan, Samantha Lopez, Shyr Valdez, Ervic Vijandre, Valeen Montenegro, Nonie Buencamino, Malu de Guzman, Faye Lorenzo, Victor Anastacio at Valerie Concepcion. Mula ito sa direksyon nina Jerry Sineneng and Irene Villamor.
Ipalalabas ang Love. Die. Repeat. weeknights, simula January 15, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at online via Kapuso Stream.
Ipalalabas din ito sa GTV ng 10:50 ng gabi.
***
SAME management sina Kimson Tan at Ricci Rivero, ang Virtual Playground.
Close ba sila ng basketball player/actor?
“We’re okay,” lahad ni Kimson. “Hindi kami sobrang close pero we know each other naman po.”
Kung makulay ang lovelife ni Ricci, paano napapanatili ni Kimson na tahimik ang lovelife niya?
“Kasi po ngayon sa totoo lang po, sobrang dami kong ginagawa din, kumbaga thankful din ako sa GMA, kaya ako kumbaga focus lang talaga sa work, and if the right one comes then why not, di ba?
“Pero sa ngayon po, sa totoo lang po, ang focus ko po talaga is work.”
“Loveteam” sila ni Lianne Valentin sa Lovers/Liars; hindi kaya sila ni Lianne ang magkatuluyan bilang pareho yata silang walang karelasyon?
“Kami po ni Lianne sobrang close po, parati lang po kaming nagbabardagulan,” nakangiting kuwento pa ni Kimson.
May mga intimate scenes sila ni Lianne Valentin sa Lovers/Liars.
“Not so intimate.”
Hindi na bago ito kay Kimson na nakagawa na rin ng mga ganitong eksena sa nakaraan, kina Beauty Gonzalez at Mika Reins sa Mano Po: The Flower Sisters ng GMA na umere noong Oktubre 2022.
“Kissing scene pa lang, so I think this is the first time,” pagtukoy niya sa Lovers/Liars.
Hindi ba siya naiinggit kay Yasser Marta na love interest ni Claudine Barretto sa naturang GMA series?
Na kung dati ay si Beauty, dapat ngayon ay si Claudine ang “karelasyon” niya?
“Actually, kung ano lang po…kumbaga ako po kung ano ang ibigay ng prod, kung may babaguhin sila, ako I’m really open for whatever challenge na mahaharap po namin in taping this one,” pakli ni Kimson.
Wala raw dine-date si Kimson sa ngayon.
“Wala po, I don’t see anyone right now.”