Advertisers
Sa glamorosong Diamond Hotel dyan sa Malate,Manila ginaganap ang ilang maseselan at special functions ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kung di tayo nagkakamali, isang 6- star hotel ito na pag- aari ng billionaire businessman na si Ramon Ang.
Isa umanong opisyal ng Kagawaran na identified kay Secretary Manuel Bonoan ang regular na nakatarima sa nasabing mamahaling hotel as in second home na nito ang maranyang hotel.
Mga events gaya ng anniversaries,birthdays at meetings ang regular na ginaganap sa Diamond Hotel courtesy ng madatung na DPWH official.
Dito rin nagsasadya ang ilang congressmen at big-time contractors para makipagpulong sa nasabing senior official.
Open secret ito sa mga opisyal at tauhan ng DPWH.
Kung wala si DPWH official sa kanyang tanggapan sa Aduana,tiyak na nasa EXTENTION office niya ito sa Diamond Hotel.
Kahit ‘yung mga contractors na taga- Visayas at Mindanao ay dumarayo pa umano sa Diamond Hotel para ayusin ang kanilang transaksyones sa DPWH.
May nakapagbulong sa inyong lingkod na pati mga regular na “parating” ng mga regional directors at district engineers mula sa malalayong probinsiya ay sa Diamond Hotel EXTENTION office iniintrega.
Sana all!
Alam kaya ito ni Sec.Bonoan?
Sabagay, wala pa man si Bonoan sa DPWH, common practice na ito ng nasabing opisyal.
Ibig sabihin,matagal ng nangyayari ang mga kababalaghan ito diyan sa DPWH na isa sa most corrupt agencies ng gobyerno.
Ipinagpatuloy na lamang ng bagong administrasyon.
May naamoy din tayong negosasyong nagaganap sa Diamond Hotel involving some RDs,DEs. at ADEs na lumuluto sa mga ginagawang biddings sa kani- kanilang tanggapan.
Sa pamosong hotel din kasi pinagpaparte- partehan ang grasyang nakukuha.
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com