Advertisers
Mariing itinanggi ng Commission on Higher Education (CHED) na inalis na nila ang K-12 program ng pamahalaan.
Walang kapangyarihan ang komisyon na tanggalin ang senior high school (SHS) program, ayon kay CHED chairman Prospero de Vera III.
“I was surprised by the fake news and insinuations that have been circulating, so I’d like to make clear — K to 12 is not abolished and CHED has no authority to abolish senior high,” ani de Vera.
Nakakatanggap daw kasi siya ng mga ulat na bubuwagin na ang SHS ng komisyon.
Ani pa ni de Vera, “That’s not within the jurisdiction of CHED,”
Paulit-ulit naman niyang sinabi na wala nang legal basis upang ipagpatuloy ang pagtanggap ng mga SHS students dahil natapos na ang transition period ng K-12.
Paglilinaw pa niya na matagal nang itinigil ng ilang state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs) ang implementasyon ng programa sa mga nakaraang taon.