Advertisers

Advertisers

Senate impeachment court nag-isyu na ng subpoenas sa financial records ni VP Sara

0 10

Advertisers

PORMAL nang ipinadala ng Senate impeachment court ang mga subpoena para sa bank, tax, at financial records ni Vice President Sara Duterte, ng kanyang asawa na si Atty. Manases Carpio, at ng mga kumpanyang idinadawit sa kanila.

Ipinalalabas ang mga dokumento upang busisiin ang mga alegasyon ng unexplained wealth sa ilalim ng Article II ng Articles of Impeachment.

Kaugnay nito, inatasan ang Bureau of Internal Revenue (BIR), Anti-Money Laundering Council (AMLC), at iba’t ibang banking institutions na ibigay ang mga dokumento sa Clerk of Court hanggang sa Hulyo 30, 2026, sa ganap na alas-9:00 ng umaga.



Sinabi ni Senate impeachment court spokesperson Reginald Tongol, may ilang institusyon na ang tumalima sa naturang direktiba at nagsumite ng bank checks ni Duterte.

Matatandaang bagamat pinayagan ng korte ang hiling ng prosekusyon na mag-isyu ng subpoena sa bank at tax records ng bise presidente, nagpahayag ng pagtutol ang limang senator-judges sa ruling kabilang na sina Sen. Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Imee Marcos, Loren Legarda, Camille Villar, at Bong Go, kung saan partikular na tinutulan ng mga ito ang paglalabas ng mga dokumento bago pa man nag-assume bilang bise presidente si Duterte.



Muling ipagpapatuloy ang impeachment trial ni VP Sara sa araw na ng Miyerkules, Hulyo 29, sa bago nitong schedule mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">