Advertisers

Advertisers

Traslacion 2024

0 7

Advertisers

Ibang-iba ang Traslacion 2024 ngayon kaysa noong nakalipas na dalawang taon kung saan hindi man lang na-silayan ng mga deboto ang Itim na Nazareno dahil sa pandemya.

Sabik at galak ang milyon-milyong mga deboto hindi lang dito sa National Capital Region (NCR) kundi hanggang sa iba’t ibang dako ng bansa na dumayo pa dito sa Quiapo, Manila upang masilip lang muli ang rebulto ng Itim na Nazareno.

Si Nazareno lang anila ang tangi nilang kakampi at nasasandalan sa tuwinang sila ay puno ng problema’t dalumhati sa buhay nilang tina-tahak.



Maliban dito, maraming beses na daw itong nagpakita ng himala at milagro sa kanilang pamilya at mahal sa buhay partikular na sa kanilang mga karamdaman na madalas ay wala ng lunas at inaayawan na ng mga dalubhasa.

Wala daw ibang tumugon dito kundi ang Itim na Nazareno kung kaya’t ganon na lamang ang pagsamba’t papuri nilang ginagawa sa tuwing dumadating ang kapistahan nito.



Nandon’ na sila ay mag-apak, humawak sa tali na humi-hila ng karosa hanggang sa sumampa sa karosa upang mahawakan at mahalikan lang ang imahen ng Nazareno sa mismong prusisyon.

Hindi nila alintana ang lahat ng hirap na daraanan upang ganapin ito bagkus ay kaginhawaan pa daw ang dinu-dulot sa kanila kapag nahawakan at nahagkan na nila ang rebulto.



Ipinapagpasalamat ng maraming mga deboto na na-lagpasan nila ang halos tatlong taon panahon ng pandemya dulot ng covid19 kung saan libu-libong mamamayan ang binawian ng buhay.

Ano man daw ang dumating na delubyo sa kanilang buhay ay hindi maglalaho ang kanilang tiwala’t pananampalataya kay Nazareno na sa tuwina’y duma-damay at nakikiisa sa kanila.

Itong kanyang kapistahan anila ang tamang pagkakataon upang ibalik sa kanya ang lahat ng papuri’t pag-samba.

Wala daw sanang maging balakid at huwag na daw sana silang pigilan pa sa kanilang paniniwala dahil sa ang Nazareno lang daw ang kanilang pinaniniwalaan na lehitimong tumutulong sa kanila.

MAPAYAPANG NAIRAOS ANG TRASLACION 2024

Sa sumatutal tahimik at mapayapang nairaos ang TRASLACION 2024….

Bukod sa mapayapa, labis din ang galak at tuwa ng milyun-milyong mga deboto na lumahok sa Pista ng Itim na Nazareno.

Dalawang taon mahigit din daw nilang pinanabikan ang okasyong ito matapos na hindi nila ito nasilayan noong panahon ng pandemya.

Pinakita at naramdaman din dito ang tunay na ispiritu nu “bayanihan” kung saan lahat ng lumahok ay nag-tulungan at nag-kaisa.

May mga grupong nagbigay ng libreng tubig sa lahat ng mga deboto, meron ding nagpakain ng lugaw, meron ding nagbibigay ng biscuit at pamaypay sa lahat ng mga nai-initan at marami pang iba.

Bigyan din natin ng papugay ang ating Philippine National Police (PNP) na kung saan pinanatili nito ang kaayusan at kapayapaan sa buong selebrasyon.

Batiin din natin ng partikular ang pinamalas na sakripisyo ng Manila Police District (MPD) sa pamumuno ni District Director Col. Arnold Tom Ibay.

Tiniis ng mga ito ang tatlong araw na puyat, gutom at kakaibang pagod sa pagposte sa Quiapo church at Quirino Grandstand upang siguraduhin lang ang kaligtasan ng publiko.

Maliban sa ilan debotong hinimatay at natibo ang talampakan, wala ng ibang untoward incident ang naiulat.

Sa awa ng Poong Nazareno, nairaos ang Traslacion 2024 ng tahimik at mapayapa… KUDOS AT MABUHAY TAYONG LAHAT!!!!