Advertisers

Advertisers

UdM ginawaran ng Academic Excellence Award ng 16th ALCUCOA Na’t’l Conference

0 16

Advertisers

INANUNSYO ni Manila Mayor Honey Lacuna na ginawaran ang Universidad de Manila (UdM) ng Academic Excellence Award sa 16th Association of Local Colleges and Universities Commission on Accreditation (ALCUCOA) National Conference.

Ang awarding ay ginawa sa unang araw ng conference ng mga member- schools na nakakuha ng 100% over-all passing rate sa board exams.

Tinanggap ni UdM President Dr. Ma. Felma Carlos-Tria Ang karalangan pati na ang mga delegado na dumalo sa conference para sa unibersidad.



Ang pagkilala ay ibinigay ng ALCUCOA Board of Directors and Executive Officers sa pamumuno ni Executive Director Dr. Raymundo P. Arcega, na inilarawan ang karangalang natanggap ng UdM bilang…’‘a testament to the proactive role of Universidad de Manila in bringing Philippine LCUs at the forefront of higher education, indeed signifying an educational legacy worth emulating by other institutions of higher learning.’

Sinabi ni Lacuna na ang karangalan ay isang testamento ng UdM na isinasabuhay ang slogan na “Uplifting lives through quality education” na nakapagtala ng 100% board passing rates para sa professional teachers (secondary), electronics technician at physical therapy sa nakalipas na tatlong taon.



Ang UdM sa ilalim ng pamamahala ni Tria, ay patuloy na nakakakuha ng above-national-passing rates para sa Criminology at Nursing.

Samantala, ang Manila City Council sa ilalim ng liderato ni Presiding Officer, Vice Mayor Yul Servo, ay binigyang pagkilala ang UdM sa natamo nitong karangalan. Isang resolusyon ang ipinasa sa Konseho na bilang…Resolution No. 548 Series of 2023 ‘Commending Universidad de Manila sa pagtanggap nito ng Academic Excellence Award’.



Sa bahagi naman ni Tria, ang pagkilala ay magsisilbi bilang inspirasyon ng kanilang team na pagbutihin pa ang kanilang ginagawa upang makalikha ng cream of the crop sa iba’t-ibang larangan ng karunungan. (ANDI GARCIA)