Advertisers

Advertisers

Isko susuporta raw at tatakbong senador… Sen. Imee nagpaparamdam na sa pagtakbong mayor ng Maynila

0 20

Advertisers

Ni JIMI C. ESCALA

Hindi na raw babalikan ng dating Manila Mayor at aktor-TV host Isko Moreno ang pamumuno sa siyudad ng Maynila.

Kumbaga, isasantabi na raw ni Isko  ang pagiging ama ng Maynila.



After serving one term ay  ipinasa na nito sa kasalukuyang alkalde na si Mayora Honey Lacuna ang pamamahala ng Maynila.

Pero from a source ay napag-alaman namin na may pag-uusap daw ngayon sina Senadora Imee Marcos at  Isko.

Pupuntiryahin daw ni Sen. Imee ang mayoral seat at susuporta raw ang pamilya Marcos sa pagtakbo bilang senador ni Isko, huh!

Itinanggi naman ng isang malapit kay Senadora Imee ang isyung tatakbo bilang mayora ng  Maynila ang kapatid ni PBBM.

But mukhang may katotohanan  ang isyu dahil dahil gumagalaw daw ngayon sa Maynila ang mga tàuhan ng senadora.



Kamakailan lamang ay namahagi sila ng mga ayuda sa mga nasasakupan ng Maynila at dagdag pa rito yung inisa-isang dinadalaw ng mga staff ni Sen. Imee ang bawat barangay ng lungsod.

“Tatakbo yang Mayor ng Maynila, namigay sila ng kalendaryo at kung anik anik pa sa bawat brgy at ang sabi may mga kasunod pa raw yan,” sey ng nakausap naming isang brgy captain na supporter ng senadora.

Nakakuwentuhan din namin ang isang staff ni Mayora Honey na open naman daw sila sa posibilidad na pagtakbo ni Imee bilang mayor ng Manila.

Pero ayon sa kanya, malabong mangyari raw na magkalaban ang dalawa. Kumbaga, hindi si Mayora Honey ang makakalaban ni Sen. Imee kung sakaling itutuloy ng huli ang planong pagtakbo as alkalde ng siyudad.

Dagdag pa niya, kung si Imee raw ay tatakbong Manila mayor, maaring congressional seat ang puntiryahin ng first woman mayor ng city of Manila, huh!

***

SPEAKING of rigodon ng mga pulitiko ng Maynila, nang hingan naman namin ng opinion ang kasakukuyang Vice Mayor na si Vice Yul Servo ay napailing na lang ang actor politician.

Ayon sa kanya abangan na lang daw natin sa mga susunod na buwan kung magpa-file na ng kanilang certificate of candidacy ang lahat ng tatakbo sa local elections.

Sa ngayon daw ay tututukan muna niya ang obligasyon bilang pangalawang ama ng Maynila.

Magse-seek pa ba si Vice Mayor Yul ng another term or babalikan na niya ang kongreso?

“Well, let us wait and see kung anumang magiging desisyon ng Itaas, doon tayo,” banggit pa ni VM Yul sabay turo at senyas ng very popular God First sign nila ng dating mayor na si Yorme Isko, huh!