Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA pagbabahagi ni Alex Gonzaga ay natsika nito at ikinagulat ang pagiging galante ng kanyang Ate Toni Gonzaga.
Halos lahat daw ng mga kaanak at pamilya ay niregaluhan nito ng mga expensive gift at kahit ibang tao na malapit sa ate ni Alex.
Kinabiliban ni Alex ang kanyang Ate Toni dahil never daw ito pumalya sa pagbibigay, pagse-share at pagtulong sa kanilang pamilya.
Kahit mga kasamahan ay ikinagugulat na lang ni Alex na niregaluhan ni Toni ng mamahaling bagay.
May mga bagay nga raw na gustong bilhin ang kanyang Ate Toni pero nanghihinayang kaya para magkaroon siya noon ay si Alex na ang nagkukusa para bilhan ang kanyang Ate Toni.
Galante nga raw si Toni sa iba pero matipid sa sarili.
Pagbubuking pa ni Alex na para raw ang kanyang dyowaer na si Mikee na galante sa iba pero kuripot sa sarili
***
Daniel ‘di nakayanan ang intriga lumipad pa-Dubai
MARAMI ang pumabor sa naging desisyon ni Daniel Padilla na magpalamig muna sa ibang bansa partikular sa Dubai.
Di naman kasi matapus tapos ang pagbanat sa binata sa pagiging cheater daw na siyang mitsa ng hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo.
Inispatan din ng spy kung may bitbit na kasama si Daniel sa airport.
Pero sa nag upload ng video at pics ay ipinakita na nakapila sa immigration si Daniel na mag isa.
As in, wala nga raw itong kasama nung mga oras na ‘yun hanggang may lumapit na airport staff at pinalipat sa special lane si Daniel.
May sitsit din na makatutulong kay Daniel ang pangingibang bansa para maka move on dahil till now ay di pa rin ito maka-move on na wala na sila ni Kathryn.
Well, well, well…’Yun na!