Advertisers

Advertisers

BASANG-SISIW NA SENADOR

0 1,691

Advertisers

PAULIT-ULIT na lang. Dinuraan ang ating kasarinlan. Ang pinakahuling pambabastos ay ang pagpatawag ng sugo natin upang ipaliwanag kung bakit nagpahayag ng pagbati sa Taiwan ang pangulo ng Pilipinas tungkol sa paghalal ng bagong pangulo ng Taiwan. Hindi ako marunong mag-pinyin, hihimayin ko ang paliwanag sa salitang Tagalog: Una, bagaman, may polisiya tayong sinusunod sa “one-China,” kung saan tumatalima tayo mula noong 1974, kung saan kinilala ang Pulahang Tsina ang kumakatawan sa Tsina at kasama ang Taiwan, hindi ito nangangahulugan na tatalikuran natin ang pamahalaan ng Taipei. Mayroon humigit-kumulang dalawang daang libong Pilipino na naninirahan doon. Ang Pilipinas ay malayang bansa. Kaya walang karapatan ang Pulahang Tsina na pagsabihan ang pamahalaan natin.

Ang polisiya at prinsipyo ay magkaiba. Ayon sa Pulahang Tsina, ito ang nahuli sa alituntunin. Ang prinsipyo ay hindi umaasa sa batas o isang nakasaad na batas na isinasaad ng Pulahang Tsina, dahil binati siya si William Lai, lumabag si Presidente Marcos sa “one-China Principle”. Ito ay maliwanag na kabulaanan sapagkat walang isinasaad sa komunikasyon na sinang-ayunan ng Pilipinas noong 1974 na “one-China-Principle. Ang itinutulak ng Pulahang Tsina, ito ay pawang kabulaanan at uri ng paglalahat o “generalization.” Maliwanag na layunin nila. Baguhin ang naratibo at lohika ng komunikasyon para maging pabor sa kanila.

Ang polisya ay iba; sapagkat hindi ito umaasa sa isinasaad ng batas, kung hindi pati sa layunin na etikal. Maliwanag na pambilog ng ulo; at notorius ang Pulahang Tsina sa gawaing ito. Pati Estados Unidos, Gran Britanya, Hapon, at Australia nakatanggap ng ganitong uring mensahe mula sa Pulahang Tsina. Dahil lang sa pagbati? Tiyak pabor ang mga maka-Pulahang Tsina dito, katulad ni Koko Pimentel na nagsabi sa presidente na dapat magiging mas sensitibo at igalang ang one-China Policy. Siguro mainam din na basahin niyang mabuti ang komunikasyon upang hindi masyadong mahalata na maka-Pulahang Tsina siya.



Kaya eto ang sasabihin ko sa iyo at mga maka-Pulahang Tsina na katulad mo Koko: Hindi ako kakampi sa pulitika ni Marcos pero bilang pangulo, at bilang Pilipino, hindi binabae ang prinsipyo ko; hindi tulad mo. Sige; Huwag natin isama ang 1951 Mutual Defense Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos at alalahanin na ang ating bansa ay sanay sa pagtuligsa, mula noong Rebolusyon para sa kasarinlan, hanggang sa Digmaang Pilipino kontra Amerikano, sa digmaang Koreano kung saan binigyan ng Pilipino ng mga pasa duguang ilong ang Pulahang Tsina sa Paso de Yultong, hanggang sa sigalot sa Vietnam, kung saan nagbigay-suporta ang bansa sa Katimugang Vietnam at kanilang kaalyado. Kaya paalala lang: nakakalimutan ng Pulahang Tsina ang katapangan ng Pilipinas ay lumalabas kapag ito ay minamaliit. Binabastos tayo ng Pulahang Tsina. Maliwanag na pangmamaliit ang ginagawa nila. Paalala lang sa mga Pulahang Insik: Ang Republika ng Pilipinas ay malayang bansa, kaya ang Pulahang Tsina ang dapat magbukas ng mata at magbasa.

***



NAGMUKHANG basang-sisiw si Robinhood Padilla nang i-etsapwera siya sa Komiteng itatatag ng Senado para sa pagtulak ng “Charter Change” o “ChaCha” kahit ito ang plantilya niya mula umpisa ng kanyang kampanya. Ito ang kinatigan ni Speaker Martin Romualdez nang sabihin niya dapat abogado ang mamuno sa komite, at sinabing kakausapin niya si Senador “Bad Boy pag-uwi galing sa bakasyon. Bagaman sinabi ni Boy Sili na okey lang, nag-iwan siya ng maanghang na salita at sinabi na hindi mana-mana ang katalinuhan. May tama siya. Hindi namamana ang katalinuhan. Sapantaha ko wala rin siya nito; pero ang pagka-gulang? Iyan hindi ko tiyak. Kaya pakiusap, kung hindi nakatitiyak sa katalinuhan, huwag din makakatiyak sa kagulangan. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian, at NO TO CHACHA!!!

***



Mga Harbat Sa Lambat: “Accountants and Auditors do not easily give up… Every problem to them is a challenge worth their time…” – Heidi Mendoza, dating hepe ng COA, netisen, kritiko

“When you photographed people in color,

You photographed their clothes but…

When you photographed them in black and white, you photographed their souls…” -Ted Grant, letratista

“FAILURE is not the opposite of success…Failure is part of success… Sa bawat pagkakamali natin, doon tayo natututo maging wais at matalino…hindi natin hangad magkamali, pero kung magkamali ‘man, huwag manghina… Inihanda ka lang sa SUCCESS…” – Fr. Dave Coronel, (sa kanyang homiliya, Enero 15, 2024

“Torpe at bobo ka pag pumirma ka sa Cha-Cha manifesto kapalit ng pera… Pera na galing sa buwis na binabayad mo din…!” – Bob Magoo, rockjock, netisen, kritiko

“Failure of Election, di po ba COMELEC and Supreme Court?…” – Regina Facunda Dy-Seng, netisen, kritiko

“Ano daw ba ung pulvoron? Ang alam ko eh in ‘powder’ form yun. Sa Tagalog, durog as in durogista. Bahala na kaung mag-isip…” – Xander Bondoc, netisen, kritiko

***

Ang JokTaym ngayong Lunes ay ninenok ko mula sa tampipi ni Ba Ipe:

PILITIN NATIN NA SUMAYA… JOKE TIME …

NATATANDAAN KO ITONG JOKE NA ITO SA MGA INUMAN 25 YEARS AGO:

BABAE: Sasama ako sa iyo kahit saan mo ako dalhin pero sa isang kundisyon?

LALAKI: Hah?! Ano namang kundisyon iyon.

BABAE: Basta walang ibigan. Bawal ang umibig.

LALAKI: Puede ba iyon? Bakit naman?

BABAE: Yes, Puede naman. Kasi conservative ako.

LALAKI: Liberated naman ako…

Patiyon taka…

***

mackoyv@gmail.com