Advertisers
NAITAKDA ng San Miguel at Ginebra ang PBA Commissioners Cup semifinals matapos magtagumpay sa kanya-kanyang quarterfinal games sa PhilSports Arena sa Pasig City.
Unang nasungkit ng Beermen ang semifinal seat matapos brutsahin ang Rain or Shine Painters, 127-122.
Pinamunuan ni Bennie Boatwright ang opensiba ng SMB sa iniskor na 41 points on 17-of 28 foeld goals,10 rebounds,4 assists, at 1 block.
Jericho Cruz nagdagdag ng 20 points on 7-of-10 shooting, kabilang ang perfect 5-for-5 on twos, 1 rebound, at 1 assists,habang June Mar Fajardo nag-ambag ng 13 points,13 rbounds,5 assists, 1 block, at 3 teals.
Tree Treadwell pinamunuan ang ROS sa iniskor na 23 points,10 rebounds,8 assists , at 1 block.
Sa isa pang laro, nilublub ng Gin Kings ang NorthPort Batang Pier, 106-93.
Dinomina ng Ginebra ang second quarter, hindi pinaiskor ang North Port,30-13, para itala ang 55-35 halftime lead.
Tony Bishop pinamunuan ang Ginebra sa kinamadang 31 points,15 rebounds,4 assists, at 1 steal.
Jamie Malonzo nagdagdag 21 points,7 rebounds, 2assists, at 1 steal, habang Christian Standhardinger bumakas ng 18 points,10 rebounds, 7 assists, at 1 block.
JM Calma at Joshua Munzon umiskor ng tig-19 puntos habang si Calma humatak ng 10 rebounds para sa NorthPort.
Venky Jois nagdagdag ng 18 points,14 rebounds, 12 assists,4 blocks at 2 steals.
Ang Game 1 ng best-of-five series sa pagitan ng Beermen at Gin Kings ay gaganapin sa Smart Araneta Colesium sa Quezon City sa Miyerkules ng gabi.