Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
WALA nang makapipigil sa nalalapit na kasalang Bea Alonzo at Dominic Roque. Tinatapos na nila ngayong January ang lahat ng kailangan sa paghahanda ng wedding.
Ayon pa sa actor, kailangan nang mailatag ang lahat ng detalye ngayong January.
“Etong January talaga, dapat ilatag lahat eh, kailangan asikasuhin, di ba, with everyone from our families and friends and yung list ng mga bisita also, ninang, ninong. Hindi pa naman kumpleto lahat,” say ni Dominic.
Hindi na ibinahagi ng actor ang mga detalye ng wedding, pero nabanggit niya na hindi ito church wedding dahil isa nga siyang Christian.
Inamin niyang sa ibang bansa magaganap ang kanilang wedding at nasabi na rin naman daw ito ni Bea sa isang interview.
Ayon kay Dominic sa ngayon ay namamahagi na sila ng, “save the date” cards sa mga invited guests ngayong January.
Natanong siya kung invited ba ang ex-couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kasal nila.
“Si Kath,” nasabi niya. “Kasi, hindi naman kami okay ni DJ (Daniel). I mean, we`re not talking since 2020,” paliwanag niya.
“We haven`t seen each other for the longest time, since 2020,” say pa niya.
Anyway, sobrang excited na si Dominic sa nalalapit nilang kasal ni Bea, bukod dito ang isa pang inaasikaso nito sa hinaharap ay ang pagbuo ng pamilya. Pagkatapos ng kasal ay agad daw nila susubukan gumawa ng anak o bata. As in super handang-handa na raw siya na maging daddy.
“I mean, growing up, inalagaan ko ang mga anak ni Tita Juday (Judy Ann Santos) you know, I`ve been there with them, yung mga pamangkin ko, lalo na may mga pamangkin na rin akong dalawa na lalaki`t babae, and naisip ko na gusto ko rin ng sarili ko,” aniya.
Napag-usapan na nga raw nila ni Bea na girl ang gusto nilang maging first baby dahil mas malambing daw ang mga babae sa daddy.
“Actually, any naman. As long as healthy na mailabas, pero siyempre, kung papipiliin ako, mas gusto ko babae,” say ni Dominic.