Advertisers

Advertisers

5 MIYEMBRO NG PAMILYA NALITSON NG BUHAY

0 11

Advertisers

NASAWI ang mag-asawa kasama ang kanilang tatlong anak nang lamunin ng apoy ang bahay sa Sitio Matagbak, Barangay Kilicao, Daraga, Albay, Martes ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Moncris Neptuno, 35 anyos; kinakasama nitong si Rosalie Polido, 35; at tatlong menor de edad na anak edad 9, 5, at 11-buwan gulang na sanggol.

Sa ulat ng Daraga Bureau of Fire Protection (BFP), 9:00 ng gabi nang masunog ang bahay ng mga biktima. Dahil gawa sa light materials ang bahay, agad itong natupok ng apoy, at tumambad sa mga bumbero ang limang biktima.



Pinaniniwalaang nakulong sa apoy ang mag-anak at hindi nagawang makalabas sanhi ng mabilis na paglaki ng sunog.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Albay Police Provincial Office (PPO) at ang Daraga BFP para sa ikalilinaw ng pangyayari, kung mayroong foul play.
(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">