Advertisers

Advertisers

Paslit na ginulpi ng lasing na ama, pumanaw na

0 7

Advertisers

PUMANAW na sa pagamutan ang 8-anyos na bata na ginulpi ng lasing na ama nitong Huwebes ng madaling araw, January 25, 2024, eksaktong dalawang araw makalipas ang insidente na naganap sa Barangay Fatima, General Santos City.

Kinumpirma nitong Huwebes ng General Santos City Police Office at ng mga manggagamot sa Doctor Jorge Royeca Hospital sa naturang lungsod ang pagkamatay ng batang si Yuri sanhi ng pananakit ng kanyang 34-anyos na ama na si Roy Canlaon, Jr. habang nasa impluwensya ng alak.

Ayon sa Fatima Police Station, kaarawan ng ama at lasing na lasing ito nang mangyari ang krimen, inutosan niya ang anak ngunit hindi ito sumunod kaya binugbog ito at inihagis ang bata sa lupa.



Salaysay ng lola na si Elvira Tubilid, wala siya sa insidente, ngunit habang binubugbog at may malay pa ang apo na si Yuri, isang salita parin ang sinabi nito sa ama, “sorry and I love you pa”.

Dumating ang ina sa General Santos City mula Maynila nitong Huwebes ng umaga at dumiretso sa Dr. Jorge Royeca Hospital upang makita ang kanyang anak, ngunit patay na ito.

Humagulhol nalang si Canlaon at umupo sa isang sulok ng malaking detention facility ng pulisya nang puntahan ng mga radio reporter nitong umaga ng Huwebes upang kunan sana ng reaksyon hinggil sa pagpanaw ng anak dahil sa kanyang pagmamalupit.