Advertisers

Advertisers

Tsikboy na sundalo buking ni misis ginagapang ang kumare

0 9

Advertisers

NAGLABAS ng sama ng loob sa social media ang misis ng isang sundalo matapos mahuli na ang ginagapang-gapang ng mister ay ang kanyang mismong kumare.

Nabuking ng misis ng sundalo na laging ka-chat ng kumare ang kanyang mismong mister, katunayan lagi pang niyaya ni mister ang kumare na mamasyal at ililibre niya ito.

Matagal nang nagdududa si misis dahil iba na ang kilos ng kanyang sundalo mister kahit buntis siya sa kanilang anak.



Nang mahuli, todo ang paghingi ng tawad ng sundalong mister, pero buo ang desisyon ni misis na makipaghiwalay na rito.

Labis na nasaktan si misis dahil ang sundalong asawa pa ang gumawa ng paraan para makontak si kumare.

Sa ngayon, deleted na ang mahabang post ni misis na umano’y lumipat na ng tirahan sa Zamboanga Peninsula nang pumutok ang isyu sa kanilang lugar. (Even Demata)