Advertisers

Advertisers

Mag-utol na dalagita ginahasa ng 2 ka-chat

0 12

Advertisers

SWAK sa kulungan ang dalawang binata nang dukutin at gahasain ang magkapatid na dalagita na nakilala lamang sa social media noong Martes, Enero 23, sa Naga city.

Nakakulong ngayon sa Naga Police Station ang mga suspek, na hindi pinangalanan, na may mga edad 18 at 19.

Habang nasa pangangalaga ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang magkapatid na edad 11 at 14.

Batay sa imbestigasyon ng Naga-PNP, 7:45 ng gabi ng Enero 21, iniulat na nawawala ang magkapatid.

Makalipas ang dalawang araw na paghahanap, natunton ang mga biktima sa isang kubo malapit sa bahay ng mga suspek sa Barangay South Poblacion, Naga City.

Inamin naman ng mga suspek na nakilala nila ang magkapatid sa social media at nagkaroon ang mga ito ng relasyon.

Napagkasunduan umano nila na magkita hanggang sa dinala ito sa kubo at doon ginahasa.

Sa himpilan ng pulisya, humingi ng dispensa ang mga suspek sa mga magulang ng mga biktima at pinangakuan na pakakasalan ang mga ito.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 11648, statutory rape ang mga suspek.