Filipino surfer naghari sa WSL La Union Intl Pro
Advertisers
HINDI binigo ni Filipino Surfer John Mark “ Tokong” Marama ang lokal fans ng lumabas na kampeon sa World Surfing League (WSL) La Union International Pro men’s shortboard kumpetisyon sa Urbiztondo Beach sa San Juan Huwebes, Enero 25.
Tokong umiskor ng 8.50 points sa Wave 1 at 9.40 sa Wave 2 para sa kabouang 17.90 points nang talunin ang Swedish Kian Martin.
Martin nakaipon lang ng 13.25 points sa final matapos umiskor ng 5.25 sa Wave 1 at 8.00 sa Wave 2.
Sa kanyang pananakop sa event,Tokong nakaipon ng 3,000 points para palakasin ang kanyang bid na makausad sa challenger series.
Bukod sa Puntos at prize money na $5,600 (P(315,142) na kanyang napanalunan, Tokong ay galak na galak ng itanghal na champion bago ang kanyang supportive family at ang Filipinos na nanonoud sa event.
“It’s amazing. I can’t really suppress what I’m feeling. I’m so happy and so stoked right now because everyone here is supporting me, my family, all the people watching this event. I’m so grateful for you guys thank you,” Wika ni Tokong.
“I’m not just doing this for myself, I’m doing this for my family and for the Philippines.”
Samantala, Binaon ni Japanese Kana Nakashio ang kababayan Sara Wakita, 15.10-12-20, sa final para pagharian ang women’s shortboard category.