Advertisers

Advertisers

Base sa autopsy report… Pamilyang namatay sa sunog sa Albay tadtad ng saksak

0 10

Advertisers

HAWAK na ng kaanak ng mga biktima ng sunog ang autopsy report kaugnay ng insidente sa Barangay Kilicao, Daraga, Albay.

Matatandaan na una nang sinabi ng barangay kagawad na posibleng mayroong foul play sa insidente dahil sa natagpuang mga dugo sa inidoro at sa lupa sa lugar.

Ayon kay “Merly”, ina ng isa sa mga biktima at lola ng mga menor de edad na nadamay, batay sa hawak nilang autopsy report, tadtad ng mga saksak ang kanyang anak at mga apo, habang ang ama may isang matinding tama sa leeg.

Naniniwala si Merly na unang pinatay ng ama ang mag-iina bago ang kanyang sarili saka sinunog ang bahay.

Aniya, walang trabaho ang asawa ng kanyang anak at laging naglalasing.

Bago ang insidente, makailang ulit umanong pumunta sa kanya ang kanyang anak at sinasabi na lagi siyang sinasaktan ng kanyang mister.

Maliban dito, pinalayas din umano ng asawa ang katorse anyos na panganay na anak na nakaligtas sa insidente, na minsan narin hinabol ng itak at pinagbantaang papatayin kapag bumalik ito sa bahay.

Samantala, ayon kay Merly, sa ngayon ang bangkay ng asawa ng kanyang anak hindi pa nakakabaong dahil pinaprayoridad niya ang kanyang anak at mga apo.

Hindi rin siya pumayag na isama ito sa burol ng mag-iina.