Advertisers
ARESTADO ang 3 lalaking pasahero ng public utility bus nang makuhanan ng shabu sa magkaibang oras sa Fixed Checkpoint, Licanan, Barangay Lasang, Davao city, Miyerkules ng gabi at Huwebes ng umaga, Enero 24-25, 2024.
Ang unang naaresto sa oras 10:00, Miyerkules, Enero 24, 2024, nakilalang si Jonnel Malabanan Santos, 27 anyos, driver, ng Block-2 Lot-9, Barangay P. Granados, General Mariano Alvarez, Cavite.
Nakuha sa posisyon nito ang isang pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P3,400.
Alas-12:30 ng madaling araw, January 25, naaresto si Patrick John Canta, 33, nurse, Fortune Homes Lanang, Vicente Hizon St., Davao City. Nakuha sa kanya ang isang pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P8,228.
Umaga ng Huwebes, 5:20, Enero 25, 2024, nadakip si Jeffrey Dacera Pablo, 33, vendor, ng Baganga, Davao Oriental na may dalang isang pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P1, 224.
Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga ito.