Advertisers

Advertisers

P4m shabu nasamsam sa 2 tulak sa Cebu

0 9

Advertisers

AABOT sa P4 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang tulak sa drug buy-bust operation nitong Lunes sa lungsod ng Cebu.

Kinilala ang mga nadakip na sina Leo Montealto, 45; at Ritchel Banga-Banga, 33, kapwa mula sa Sitio Bungtod, Barangay Calambua, Mandaue City.

Sa inilatag na operasyon ng National Bureau of Investigation Cebu District Office (NBI-CEBDO), nakuhanan ang mga syspek ng 500 gramo ng shabu, weighing scale, lighter, at record book na may mga pangalan na katransaksyon sa ilegal na aktibidades ng mga suspek.



Maliban sa ilegal na droga nadiskubre rin na sangkot sina Montealto at Banga-Banga sa mga kasong guns-for-hire na may kinalaman sa election-related harassment pabor sa kanilang kandidato.

Dagdag pa rito, sangkot rin ang mga suspek sa robbery at illegal discharge of firearms.



Nabatid na taon 2011 nakulong ang mga suspek sa kasong attempted murder at illegal possession of firearms and explosive at nakalabas lamang ang mga ito ng kulungan nitong nakalipas na taon.

Nahaharap ngayon sa kasong possession of illegal drugs and illegal possession of firearms ang mga suspek.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">