Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
HINDI umubra at nagtangkang humarang kay Heart Evangelista ng “Shadow ban” noong huling quarter ng 2023 sa Paris Fashion week.
Muli siyang nakabalik sa pagrampa sa nasabing fashion week at naging sentro pa ng pansin ng ilang sikat na fashion designers at ng mga international fashion models.
Grateful si Heart dahil nalusutan at na-overcome niya ang ginawang pagsa-shadow ban sa kanya sa ilang fashion events.
Nalaman ng ilan sa mga dati niyang nakatrabaho at bahagi ng kanyang glam team umano ang nasa likod ng “shadow ban.”
Kinuha umano ng mga ito ang contact numbers ng ilang namamahala sa Paris Fashion event at hinarang ang exposure ni Heart.
Natuklasan din ito ng actress at siya na ang gumawa ng paraan upang muling makabalik sa nasabing fashion event.
Reaction tuloy ng ilang netizens na sa halip na harangin at mainggit ay dapat maging proud ang ating mga kababayan dahil nagawa ni Heart na pasukin at maka-penetrate sa mga sikat na fashion events sa Paris at New York.
Si Heart ngayon ang hinahabol at inaalok ng mga sikat na fashion designers upang maging endorser-model. Kaya naman ayun at cover si Heart ng mga fashion magazines sa abroad.
Samantala, ipinasilip na ni Heart ang magandang apartment niya sa Paris sa ginawang post na kung saan kasama pa niya ang husband na si Senator Chiz Escudero.
Sa nasabing apartment ay tila pini-pictorial ni Chiz si Heart na naka-pose habang nakaupo sa couch na dogs ang design.
Simple lang ang caption ni Heart na “Life is one big adventure with you @escuderochiz” na umani ng positive feedback sa mga followers ni Heart sa Instagram.
Husband and wife goals daw sina Heart at Chiz at may napa-sana all pa sa pagiging supportive ni Chiz sa asawa.
May iba naman na ang apartment ni Heart na nasa Paris para sa Paris Fashion Week ang pinuri. Ipinasilip din kasi nito ang isang bahagi ng kanyang kitchen habang umaawra.
***
Mga bagong halal na opisyal ng PMPC, nanumpa na
PORMAL nang nanumpa sa tungkulin ang mga bagong halal na opisyal ng Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) kay Public Attorney‘s Office (PAO) Chief Atty. Persida Rueda Acosta na tumayong inducting officer sa oath taking induction na ginanap last Thursday, (January 25) sa Peng Lai Chinese Cuisine sa West Avenue, Quezon City.
Nanumpa ang bagong halal na Pangulo na si Rodel Ocampo Fernando kasama ang iba pang opisyal na kinabibilangan nina Jimi Escala, Mildred Bacud, Boy Romero, Lourdes Fabian, John Fontanilla at Glen Sibonga.
Kasama ring nanumpa ang Board Members na binubuo nina Fernan de Guzman, Roldan Castro, Mel Navarro, Rommel Placente, Joe Barrameda at Francis Simeon.
Sa kanyang speech, nagpasalamat si Atty. Acosta sa patuloy na suporta na ibinibigay ng PMPC sa kanya at sa PAO.
“Dalawang dekada na pong partner ng PAO ang PMPC, isang non-government institution, NGO. Sila ang nagpapadalisay at nagpapatanyag ng mga artista, mga mang-aawit, mga entertainer natin.
“Maraming salamat po PMPC sa inyong pagbibigay ng pagkakataon sa akin na maging inducting officer, kumbaga sa akin kayo manunumpa para magampanan niyo ang inyong mga tungkulin ng buong katapatan at giting. Marami pong salamat!” sabi pa ni Atty. Acosta.
Ang PMPC ang namamahala at nag-oorganisa ng taunang Star Awards for Movies, Television, at Music.