Advertisers

Advertisers

HIDWAAN NG MGA MARCOS AT DUTERTE, HANGGANG SAAN KAYA HAHANTONG?

0 103

Advertisers

Hanggang saan nga kaya hahantong ang sinasabing hidwaan ng mga Marcos at Duterte?

Ito ang katanungan ng marami nating mga kababayan na hanggang sa ngayon ay nakikiramdam pa rin sa batikusan ng dalawang kampo.

Maging mga kaibigan at kaalyado sa politika ng dalawang panig ay nagu-guluhan na rin sa pinapahiwatig ng isa’t isa. Marami umanong sanhi at dahilan ang pinag-ugatan ng mga Marcos at Duterte.



Una na dito ang ginawang paratang ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan na gumagamit daw ng illegal na droga si incumvent President BONG BONG Marcos na matindi namang pinabulaanan ng huli.

Sinabi ni PBBM na ang walang sustansiyang paratang sa kanya ni PRRD ay sanhi marahil sa ini-inom na gamot nitong “Pentanyl” sa loob ng anim hanggang pitong taon.



Malaki daw ang posibilidad na nagha-halusinasyon ito kung kaya’t kung ano-anong bagay na ang puma-pasok sa kukote nito. Ito daw ang epekto ng nasabing gamot.

Una dito, pinag-sabihan din ni Davao city Mayor Pulong Duterte na bumaba na sa kanyang posisyon bilang Presidente si PBBM sa hindi malaman rason at dahilan.



Kaugnay nito, sinabi naman ni House Speaker Martin Romualdez at ilan pang mga Representante na walang basehan ang pinagsasasabi ni Pulong dahil wala naman silang nakikitang mali sa ginagawang palakad ni PBBM.

Gayundin ang pinarating ni Senate President Miguel Zubiri kay Davao city Mayor. Wala na ngang inaasikasong iba si PBBM kundi trabaho sa kapakanan ng bansa at sa awa naman ng Panginoong Diyos ay tagumpay din naman dahil sa pag-angat ng ating ekonomiya.

Marami rin ang nagsasabi na maaaring sumama rin ang loob ni PRRD kay PBBM matapos umanong pahintulutan nitong maka-pasok ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) sa Pinas.

Malamang na istilo daw ito ng kasalukuyang administrasyon upang muling mabuksan ang programa niyang “all-out-war against illegal drugs” na kung saan higit-kumulang sa 10,000 tao na sangkot sa droga ang namatay.

Ayon naman sa ilan mga eksperto partikular na ang mga human rights advocate, talagang hindi naging makatao ang nangyaring mga pagpaslang. Ito daw ay maliwanag na extrajudicial process.

Malaki rin daw ang posibilidad na kadugtong ng hinanakit ni PRRD ang pagka-accquit ni dating Senador Leila de Lima na halos 10 taong nakulong sa administrasyon ni Digong dahil sa pagkakasangkot sa illegal na droga.

Masyadong mabilis anila ang naging desisyon ng korte pati na rin ang biglaang pagbaliktad o’ pag-retract ng mga testigo.

Ang huling paratang ay kaugnay naman ng Charter Change (Cha-Cha) na mas kilala bilang People’s Initiative na kung saan si House Speaker Martin Romualdez daw ang may akda na may konsinti naman kay PBBM.

Spoiled daw umano masyado si Romualdez sa administrasyon, lahat halos daw ng pabor ay binigay na niPBBM dito hindi lang sa pagiging alyado kundi bilang isang malapit na kamag-anak din.

Mabuti naman at ipinahinto ng COMELEC ang People’s Initiative at ang pagpapapirma ng mga botante sa buong bansa hanggat wala pang ganap na batas hinggil dito. Siguro naman ay wala na kayong masasabi sa isyung ito.

Hindi na siguro need pang lumipad pa patungong Davao si dating Executive Secretary at dating campaign manager ni PBBM na si Atty. Vic Rodriguez upang makisimpatiya sa kampo ni datingPRRD na hadlang sa People’ Initiative.

Talagang nakakaloko ang politika, mantakin mong dating mga sanggang-dikit at best of friends ngayo’y meron ng hidwaan at alitang namamagitan sa isa’t-isa tsk… tsk… tsk…

Pakatandaan natin na ang mga Marcos lang at Duterte ang may kakayanan na humawak ng liderato ng bansa sa kasalukuyan dahil kumpleto ang mga ito sa makinarya, wala ng ibang may kapabilidad maliban sa kanila.

Pakiramdaman nating mabuti ang galaw ng dalawang ito. Antabayanan din natin ang sususnod na hakbang at kung hanggang saan hahantong ang kanilang hidwaan.