Advertisers

Advertisers

Willie ‘di ieendorso ng ilang taga-showbiz sa pagtakbong senador; Piolo mas bet kumita ang movie sa Tate kaysa manalo ng award

0 36

Advertisers

Ni JIMI ESCALA

KASALUKUYANG nasa America ngayon ang Kapamilya aktor na si Piolo Pascual. Ito ay kaugnay sa 2024 Manila International Festival na kasama ang pelikula niyang “Mallari.”
Malakas ang ugong na mukhang si Piolo raw ang mag-uuwi ng best actor award, huh!

Pero para sa mahusay na aktor ay sapat na raw sa kanya na masaksihan na tinangkilik ng mga tao sa America ang mga pelikula nila na ipinalabas din sa katatapos na Metro Manila Film Festival.
Dagdag pa ni Piolo sa interview na bago siya umalis ay umaasa raw siya na kung gaano katagumpay ang MMFF ay ganun din ang MIFF, huh!



We heard na gumawa ng ingay sa MIFF ang “Mallari”.
Pasalamat na rin si Piolo sa lahat ng nagtulong tulong at sumugal para sa naturang pelikula na isa sa producer ay ang family friend ng mag-asawang Vilma Santos at Finance Secretary Ralph Recto, huh!
At least nakabawi na ang producer nila at nadagdagan pa ang kinita ng pelikula dahil sa Warner Bros ang distributor sa abroad na tiyak na maraming lugar pa ang mapupuntahan ng “Mallari”, huh!

***
KUNG may mga natuwa sa pagpapahayag ni Willie Revillame sa desisyon na pasukin na rin ang pulitika, marami rin ang hindi sumang ayon sa desisyon ni Willie.



Kasama si Willie sa prayer rally ng mga Duterte na ginanap sa Davao at doon binanggit ng TV host ang intensiyon na pumalaot sa pulitika at tatakbo na rin bilang senador come 2025, huh!
Kumbaga, kung sa last national elections ay tumanggi si Willie na mapabilang sa mga senatoriables ng Unity Team, ngayon ay payag na raw siya na mapabilang sa binubuo ngayong partido ng mga Duterte, huh!

Pero aware naman si Willie na may mga taong malapit sa kanya na tutol sa pagpasok niya sa pulitika at isa na rito ang nanay nanayan ng lahat na si Cristy Fermin..
Naglabasan din ang komento ng ilang taga-showbiz na hindi raw nila isasama si Willie sa ieendorso nilang senador sa susunod na taon, huh!

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">