Advertisers

Advertisers

PROTEKSYON NG PINOY FARMERS VS WHO RESTRICTIVE TOBACCO CONTROL POLICY HINILING

0 67

Advertisers

NANAWAGAN ang grupo ng mga magsasaka sa kakatawan sa Pilipinas para dumalo sa nalalapit na pagpupulong ng World Health Organization (WHO) na tatalakay sa usapin ukol sa global tobacco control treaty na isaalang-alang din ang kabuhayan ng mahigit sa dalawang milyong Pilipino na umaasa sa tobacco industry.

“Tobacco farming sustains millions of farmers and their families, as well as workers in the industry. Switching crops requires significant investment in new infrastructure. If the future of alternative products is uncertain, what about the future of farmers? We appeal for compassionate and humane policies,” ani Philippine Tobacco Growers Association (PTGA) president Saturnino Distor kasunod ang pagpapaalala sa mga delegado ng pamahalaan sa nalalapit na WHO Framework Convention on Tobacco Control’s (FCTC) na gaganapin sa bansang Panama ngayong buwan.

Ayon kay Distor, para sa bawat Pilipinong tobacco farmers ang posisyon ng Pilipinas ay dapat COP 10 na nakatugma sa limang taong riadmap na ginawa ng Department of Agriculture (DA) para palawakin ang produksyon ng tobacco sa bansa.



Partikular na tinukoy ni Distor sa mga opisyal ang pagdepensa nito sa industriya at sa kanilang kabuhayan sa COP 10 na tatalakayin sa global tobacco control treaty.

Iginiit ni Distor na bilang mga kinatawan ay dapat handa sila para makunbinsi sa COP 10 sapagkat ang naturang trabahador ay may mahalagang kontribusyon para sa pagbuo ng mga polisiya na lubhang makakaapekto sa kabuhayan ng mga magsasaka.



Sinabi pa ni Distor na ang mga delegado ng Pilipinas ay dapat ay ang interest ng mga magsasaka ang kanilang isulong sa magaganap na COP 10 alinsunod sa roadmap ng DA dahil ang Sustainable Tobacco Enhancement Program (STEP) ay isang pamamaraan upang lalao pang mapalago ang istratrhiya sa indigenous tobacco cultivation lalo na sa Mindanao.

“Kita naman sa STEP na may kinabuksan ang pagsasaka ng tabako dito sa Pilipinas. Lalo at meron na ngayong mas safe na alternatibong produktong may tabako tulad ng vapes at e-cigarettes. Ayon sa mga pagaaral at siyensya, itong mga makabagong produkto ay mas mabuti kumpara sa sigarilyo. Dito papunta ang industriya kaya’t may pag-asa kaming magtutuloy-tuloy lang ang pagsasaka ng tabako satin,” dagdag ni Distor.



Ang WHO FCTC ay isang international treaty para sa tobacco na pinangangasiwaan ng COP 10 na binubuo ng mga kinatawan mula sa ibang mga bansa na lumagda sa naturang kasunuduan.

Ang mga kinatawan ng bansa ay magkikita-kita sa Panama sa daraing an Pebrero 5 upang isagawa ang 10th biennial meeting at alamin ang pagiging epektibo at kapakinabangan sa pagpapatupad ng nilagdaang tratado.

Inaasahan na kabilang sa agenda ng COP 10 ay ang usapin sa apekto ng regulasasyon at global public health na kung saan nakatuon sa “novel atemerging tobacco at nicotine products.

Ang WHO FCTC ay patuloy pa rin nakakatanggap ng malawakang mga kritisismo mula sa iba’t-ibang mga international public health experts para sa promoting restrictive at prohibitionist policies laban sa tunay na layunin ng l tobacco products, sa kabila ng “harm reduction strategies” na isa sa mga pangunahing pundasyon ng tobacco control.

“Ang pagtatanim ng tabako ang bumubuhay sa milyon-milyong magsasaka at sa kanilang mga pamilya kasama na ang mga mangagawang kabilang sa industriyang ito. Hindi madaling mag-iba ng pananim dahil sa malaking kapital na kailangang ilabas para sa panibagong imprastraktura. Kung nanganganib ang kinabuksan ng alternatibong produkto, paano na ang kinabuksan naming mga magsasaka? Kaya umaapila kami na mapanindigan ang mga polisiya na may malasakit at maka-tao,” paglilinaw ni Distor.

Upang higit na mapag-unlad ang naturang industriya ay inilunsad ng DA’s National Tobacco Administration (NTA) kamakailan lamang ang STEP.

Ayon kay DA Undersecretary Deogracias Victor Savellano na ang naturang industriya ay higit na makakatulong sa ekonomiya ng mga local government units upang matiyak na magkakaroon ng kabuhayan ang mga magsasakaa.

Naniniwala din si Savellano na maari ding gawing pang export ang indigenous tobacco upang kumita pa ng malaki o dolyar.

Batay sa NTA ang sektor ng tabacco ay mayroong mahigit 2.1 milyong mga magasasakang Filipino na kung saan nakakakolekta ng buwis ang pamahalan ng 160 bilyong piso nito lamang 2022.