Advertisers
NASUNOG ang ilang bahagi ng isang gasolinahan nang sumabog ang isa sa mga pump nito sa Tiaong, Quezon, Biyernes ng gabi.
Ayon sa Tiaong Police, ang CGM Gasoline Station ang nasunog na nasa Sitio Centro, Barangay Talisay.
Sa ulat, 8:15 ng gabi nang biglang magliyab ang isang pump nito nang matalsikan ng spark mula sa kalapit na trabahador na nagwe-welding sa mismong harap ng gasolinahan.
Mabilis nakasaklolo ang BFP Tiaong at agad naapula ang apoy 8:25 ng gabi.
Ayon sa BFP, umabot din sa halagang P800,000.00 ang napinsala sa gas station.
Walang nasaktan sa insidente.