Advertisers

Advertisers

Misis, pinatay ng mister na pulis

0 16

Advertisers

PATAY ang isang misis nang pagbabarilin ng mister na pulis sa gitna ng kanilang mainitang pagtatalo sa Barangay San Jose Gusu, Zamboanga City, Sabado ng umaga.

Sa ulat ng Zamboanga City Police, kinilala ang biktima na si Fredellen Ocariza, residente ng nasabing barangay.

Makalipas ang ilang oras nang mangyari ang krimen, sumuko sa mga awtoridad ang salarin na si Police Chief Master Sgt. Julius Santillan Ocariza.



Ayon sa report, naganap ang krimen sa loob ng bahay sa Block 3, Armor Village, Barangay San Jose Gusu.

Madalas umanong mag-away at saktan ng pulis ang kanyang misis, at nitong huli ay nauwi na sa malagim na kamatayan ng ginang, sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">