Advertisers
Hinimok ng mga health expert ang mga kalalakihang edad 40 na agad magpakonsulta upang makaiwas at maagapan na magkaroon ng sakit na prostate.
Sa huling araw na Watsons Health Expo 2024 –ang unang pinakamalaking health and wellness expo sa bansa, sinabi ni Dr.Vanessa Geron ng Philippine Urological Association (PUA) , na nakaapekto ang pandemic kaya maraming nakitang cancers na advance stage lalo na sa mga nakatatanda dahil sa ipinatupad na restrictions.
Sinabi ni Dr.Geron na umabot sa 1.4 milyon datos ng bagong kaso ng prostate noong 2020 sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic sa buong mundo .
Ang prostate cancer ay ang pangatlo sa pinakakaraniwang uri ng kanser sa mga kalalakihan sa Pilipinas kasunod ng lung at colorectum cancers. Ang panganib para sa malalang sakit na ito ay tumataas sa edad, kaya ang maagang pagtuklas ay ang susi upang ito ay maiwasan .
Paliwanag ni Dr.Geron, posibleng magkaroon ng prostate ang isang lalaki sa edad pa lamang ng 40 kung ito ay may kamag-anak na may prostate cancer dahil ito ay namamana kaya dapat lamang na mas maaga silang sumailalim sa screening.
“Pero halimbawa ang isang lalaki ay wala anmang kamag-anak na may prostate cancer , you can start the screening at 50 years old– mas maaga lang yung may kamag-anak na may prostate cancer”, pahayag ni Dr. Geron sa huling araw ng Watsons Health Expo 2024 , ang unang pinakamalaking health and wellness expo sa bansa.
Hinimok ni Dr.Geron ang mga kalalakihan na maagang magpasuri o magpa-screen upang agad na maagapan.Aniya kapag may diagnosis na kasi ay mas mahirap ng gamutin.
Isa aniya sa problema sa mga kalalakihan na may prostate ay walang mararamdamang sintomas maliban na lamang kapag nasa stages na.
” Marami nada-diognose kasi pinu-push talaga namin yung awareness kasi nga malaki siyang health problem kung naging stage 3…stage 4 kaya the earlier the better”.
Payo ni Dr.Geron sa mga kalalakihan, agad magpa screen dahil kapag nakaranas ng pananakit ng balakang, minsan nagkaka-fracture , hirap sa pag-ihi o kaya may dugo sa ihi, nangangahulogan na ito ay sintomas na ng ‘late stage’.
“Gusto natin makuha siya at ‘early stage ‘ which is walang nararamdaman – inuulit ko lalabas ang sintomas when it’s late in the disease, kaya wala tayong panlaban dun but to do a rectal exam and the blood test.
Kaugnay nito, magsasagawa ng Men’s Health Awareness ang PUA sa Hunyo 22,2024 na tinawag na “TAYo NAMAN”