Advertisers

Advertisers

Heart at Lee Min-ho, viral ang piktyur na magkasama

0 6

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

SANIB-puwersa sa isang fashion event ang dalawang superstars mula sa Pilipinas at South Korea.

Nag-viral at pinag-usapan ang litrato nina Heart Evangelista at Lee Min-ho sa isang event sa Bangkok, Thailand.



Naka-post sa Instagram reel ni Heart ang naturang larawan ng dalawa sa pinakasikat na personalidad sa buong Asya, kundi man sa buong mundo, sa larangan ng acting at fashion dahil kinikilalang icons ang dalawa.

Bukod doon ay nasa larawan din ang iba pang kilalang Asian celebrities na sina Desmond Tan, Bella Ranee Campen, at Mae Tan.



***

PATULOY ang tagumpay ng pelikulang Firefly maging sa ibang bansa dahil humakot ito ng awards sa katatapos lamang na Manila International Film Festival.



Nagwaging Best Picture ang naturang pelikula na idinirehe ni Zig Dulay na nanalo ring Best Director.

Sa katatapos na awards night na idinaos sa Hollywood sa Los Angeles, California sa USA ay nasungkit naman ni Anj Atienza ang parangal bilang Best Screenplay.

At para makumpleto ang kanilang paghakot, wagi si Alessandra de Rossi bilang Best Supporting Actress bilang ina ni Tonton, ang karakter na ginampanan ng child wonder na si Euwenn Mikaell.

Tila walang Best Child Performer category sa MIFF kaya walang award na nakuha si Euwenn pero kung meron, siguradong maiuuwi niya ang tropeyo

Ang GMA Network Senior Vice President for Programming Talent Management Worldwide and Support Group na si Atty. Annette Gozon-Valdes at Firefly cast member na si Ysabel Ortega (at Nailandia Nail Salon and Spa owner, hello Madam Noreen Divina!) ang pumunta sa Amerika at tinanggap ang award ni Alessandra.

Samantala, na-duplicate ng Star For All Seasons na si Ms. Vilma Santos ang tagumpay niya sa nakaraang Metro Manila Film Festival dito sa Pilipinas nitong Disyembre dahil wagi siyang muli bilang Best Actress para naman sa pelikulang When I Met You In Tokyo.

Tie naman bilang Best Actor sina Dingdong Dantes at Piolo Pascual  at si Pepe Herrera ang winner bilang Best Supporting Actor para sa kani-kanilang film entry.

***

DAMANG-dama na talaga ang bangis at lakas ni Ruru Madrid as Elias Guerrero dahil patuloy ang pag-arangkada ng Black Rider sa primetime!

“Mas matapang, mas maangas, at mas maaksyon” na episodes nga raw ang dapat abangan ng viewers sa mga susunod na linggo. Nakaantabay na ang marami sa bagong yugto sa buhay ni Black Rider. Siguradong lalo pang darami ang susubaybay sa laban ni Elias hanggang sa makamit niya ang inaasam na hustisya!

‘Wag pahuhuli sa mga kaganapan at tumutok na sa Black Rider, 8 PM sa GMA Prime at GMA Public Affairs’ Facebook at Youtube Livestream. Mapapanood din ito sa GTV, 9:40 PM.