Advertisers

Advertisers

Maricel sa lahat ng ex-syota, si William ang ‘di naging kaibigan?

0 33

Advertisers

BY ROMMEL PLACENTE

SA panayam ni Korina Sanchez kay Maricel Soriano para sa programa niyang Korina Interviews sa Net25, natanong ang Diamond Star kung friends ba niya ang lahat ng kanyang naging karelasyon.

Ang mga naging boyfriends noon ni Maricel ay sina William Martinez, Ronnie Ricketts at Cesar Jalosjos kung saan ay nagkaroon sila ng anak nito na si Sebastien, na ngayong ay 31 years old na. Naging asawa naman ng Diamond Star si Edu Manzano



Tumango si Marya bilang oo sa tanong ni Korina, pero biglang natigilan at nag-dialogue ito ng, “Parang nagla-lie ako doon. Hindi. Hindi lahat.

“Isa lang, actually, ang hindi. E, hulaan niyo na lang kung sino. I cannot say the name.”



Paliwanag ni Maricel, “Pero majority of them okay ako sa lahat, except for one person.”

Hindi napilit ni Korina si Maricel na banggitin kung sino ang dating karelasyon na hindi niya naging kaibigan nang maghiwalay sila.



Siguradong hindi si Edu  ang tinutukoy ni Marya dahil hanggang ngayon ay friends pa rin sila kahit naghiwalay sila. In fact, naging guest niya pa si Edu sa kanyang YouTube channel.

Hindi kaya si William ang tinutukoy ni Maricel? Napabalita kasi noon na dapat ay ang dating ka-loveteam ang kukuning kapareha ni Maria sa seryeng ginawa niya na General’s Daughter na pinagbidahan ni Angel Locsin, pero tinanggihan niya ito kaya si Albert Maritnez na lang ang ibinigay na kapreha niya sa nasabing defunct series ng ABS-CBN.  Galit nga ba si  Maricel kay William?

Sa ngayon after makipaghiwalay kay Edu ay hindi pa uit nakikipagrelasyon si Maria. Pero aniya, okay na ang buhay niya ngayon bilang single parent at hindi siya naghahanap ng bagong makakasama sa buhay.

“I’m okay because I’m okay. Without a man in my life, okay lang ako,” sey ng premyadong aktres.

“Wala akong panahon. Kasi gusto kong magtrabaho lang nang magtrabaho para sa mga anak ko naman,” aniya pa.

***

BUKOD sa loveteam nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, ang isa pang tambalan na inaabangan/sinusubaybayan sa romantic-comedy series na Can’t Buy Me  Love ay ang kina Anthony Jennings at Maric Racal.  Sikat na sikat na talaga ngayon ang tambalan ng dalawa na tinawag na SnoopRene, na pinagsamang pangalan ng mga karakter nila (Snoop at Irene) sa naturang serye.

Hiyang-hiya si Anthony kapag tinatawag o sinasabihan na isa na siyang certified Kapamilya heartthrob.

“Actually nagugulat nga ako sa mga na-take na namin na scenes, nakakalimutan ko na, bigla na lang mag-trending, lalo na sobrang love ng tao sa ginagawa namin.

“And of course, credit ko rin kay Maris, magaling talaga siya. Sobrang grateful na palagi tinatanggap ng mga tao,” pahayag ni Anthony sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News.

Aminado naman ang binata na bigla siyang na-pressure ngayon dahil sa tinatamasang kasikatan lalo pa’t tinatawag na siya ng mga netizens at viewers bilang social media heartthrob.

“Hindi ako sanay du’n! Namumula ako kapag sinasabihan ako, masarap sa puso na nasasabihan ako.

“First time ko siya ma-experience, nakikilala ako palagi ng mga tao. So bago sa akin ‘yun, ine-enjoy ko naman ‘yun pero siyempre kailangan stay pa din tayo sa lupa,” sey pa ni Anthony.

Samantala, nabanggit din ng aktor sa naturang panayam na balak niyang bumalik sa pag-aaral kapag nakapag-ipon na siya nang sapat na pera.

“May mga homeschool naman kaya lang siyempre hindi ko na din maalala, bata pa ako nun nag-exam lang ako sa DepEd para mag-senior high, so pagpasok ko mag-senior high pa ako.

“Marami akong na-miss out din kailangan ko ma-experience ‘yung mabalikan ko. Feeling ko makakatulong din sa akin ‘yun sa acting, sa personal life ko.

“Siyempre para din sa ‘kin iba ‘yung may education, may hawak kang ganoon, may options ka din sa buhay mo,” aniya.

Kino-consider naman ni Anthony na ang pagganap niya bilang Snoop sa Can’t Buy Me Love na kanyang biggest break.

“So far ito ‘yung pinakamatagal ko na ginawa, ito ‘yung pinaka-wild ko na character na ginawa.

“Kita naman sa mga eksena namin, hindi ko talaga ginagawa ‘yun. Nakakatuwa lang na natutuwa mga tao. Marami pa sila aabangan na kakikiligan,” sabi ng aktor.

Bukod kay Maris, may mga dream collab din daw siya in the future, “Siguro sa mga kuya-kuya ko parang gusto ko makasama sina Jericho Rosales, Papa P (Piolo Pascual) nakasama ko na sa sitcom ang saya-saya ng memories ko du’n.

“Sa leading ladies kahit sino ‘yung pwede, kasi ito kay Maris surprise naman. Ganu’n naman siguro pag may magpi-fit magpi-fit.”