Advertisers
Nagsama-sama ang iba’t-ibang sektor para sa isang layunin ng pagkakaisa, kapayapaan at tutukan ang mga pangunahing suliranin sa mga komunidad.
Sa paglulunsad ng “Isang Bansa Isang Pilipinas” ngayong araw, iginiit ni dating Manila Department of Social Welfare na si Jay dela Fuente na siya ring spokesperson ng grupo na wala silang kaanib na pulitiko, sila ay mga hamak at simpleng tao na nais lamang magsilbing boses at nagmamalasakit sa bawat nagugulohang mamamayan sa mga nangyayari sa bansa.
Nilinaw din ni dela Fuente na walang sinumang pulitiko o Partido na nasa likod ng kanilang layunin at pagbuo ng “Isang Bansa Isang Pilipinas”.
Kasama sa paglulunsad at bumubuo ng samahan si dating Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Gen.Dionisio Santiago, ang sektor ng transportasyon, pribadong indibidwal, pilantropo, religious sector, senior citizen, doktor bukod sa iba pa na nagpahayag din ng pagtutol sa panukalang ihiwalay ang Mindanao bilang parte ng Pilipinas.
Sinabi ni dela Fuente na hindi nararapat ang mga ganitongvuru ng panukala dahil magdudulot lamang ng pagkawatak-watak at kagulugan.
Pinabulaanan din ni Santiago ang kumakalat na may nilulutong destabilization plot ang mga opisyal at dating opisyal ng sandatahang lakas ng Pilipinas.
Ayon kay Santiago, walang katotohan ang nasabing isyu lalo na’t ang bawat isa sa kanila ay pumasok sa serbisyo o AFP para magsilbi at hindi manggulo.(Jocelyn Domenden)