Advertisers

Advertisers

Mabahong amoy sa estero galing sa ‘unibersidad’, inireklamo

0 24

Advertisers

Inirereklamo ng isang barangay sa Maynila ang mabahong amoy na nagmumula sa estero na nakakaapekto na sa pamumuhay ng mahigit 300 residente .

Sa panayam kay Chairman Mark Delfin ng Barangay 718, Zone 78, taong 2019 pa ng mangamoy ang kanilang estero ngunit hindi nila ito pinansin dahil puno pa ng basura.

Gayunman, nang simulan ang paglilinis ng pamunuan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa estero, hindi pa rin naalis ang nakakasulasok na amoy hanggang sa hawakan naman ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) na siyang nagsagawa ng pagsusuri.

Dito natuklasan na ang dumadaloy na dumi o katas sa estero ay nanggagaling sa malaking tubo mula sa katabing unibersidad matapos itong magpositibo sa resulta sa isinagawang pagsusuri at pagsisiyasat ng LLDA.

Ayon kay Chairman Delfin, noong una ay itinanggi ng pamunuan ng unibersidad ang sitwasyon ngunit hindi na rin naitanggi nang ilabas ng LLDA ang resulta ng pagsisiyasat at isinisisi naman ng unobersidad sa Maynilad ang sitwasyon.

Sa pagsusuri din ng DENR, lumabas na positibo sa coliform ang water sample na kinuha mula sa Estero de San Antonio Abad.

Ayon kay Chairman Delfin, may nakatakda silang pagpupulong kasama ang DENR at LLDA upang mabatid kung paano maosolusyunan ang matagla na nilang problema hinggil sa mabahong amoy sa kanilang estero.

Umaasa rin ang barangay na aaksyunan din ito ng pamunuan ng unibersidad lalo pa’t kalusogan at kabuhayan ng mga residente ang lubos na naapektuhan. (Jocelyn Domenden)