Advertisers
ARESTADO ang isang kapitan ng barangay nang makipagtalo at murahin pa ang mga pulis na nagsasagawa ng ‘Oplan Sita’ sa isang videoke bar sa Paoay, Ilocos Norte.
Kinilala ang opisyal na si Isagani Lutap, kapitan ng Barangay Cabagoan.
Isinalaysay ng manager ng videoke bar na kakapkapan at kukunan lang sana ng larawan ng pulis si Lutap bilang bahagi ng kanilang pagpapatrolya ngunit tumanggi ang kapitan.
Minura umano ng kapitan ang pulis at nakipag-away.
Nahaharap sa reklamong ‘direct assault’ ang kapitan na tumangging magbigay ng pahayag.