Advertisers

Advertisers

Pulis na buntis nasawi sa hit and run

0 12

Advertisers

NASAWI ang isang buntis na pulis nang ma-hit and run ng SUV sa Mapaoay, Ipil, Tabuk City, Kalinga.

Kinilala ang biktima na si PSSg Revelyn Dumaguing, 34 anyos, ng Dagupan Centro, Tabuk City.

Ang driver na nakasagasa ay kinilalang si Carlito Balutoc, 63, ng Lucog, Pinagan ng nasabing lungsod.



Ayon sa kapatid ng biktima, umuwi ang pulis sa kanilang tahanan sa Mapaoay, Ipil sakay ng kanyang motorsiklo nang mabangga ito ng SUV.

Pansamantalang nasa piitan ng pulisya ang driver ng SUV habang inihahanda ang kaso laban sa kanya. (Rey Velasco)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">