Advertisers

Advertisers

HUMAKBANG NG PASULONG

0 3,531

Advertisers

Ang malusog na mamamayan ang isang mahalagang tungkulin ng pamahalaan sa lipunan. Sa pag-iikot sa mga pamayanan masasabing malaki ang pondong ginugugol ng pamahalaan pambansa maging ng mga LGU sa pagpapanatili ng malusog na pamayanan. Sa antas ng barangay naroon ang grupo o sangay ng mga kababaihan na tumutukoy sa kalusugan ng mga bata, mga buntis at ilang may sakit, maging sa pagkuha ng BP ng ilang may altapresyon. At kalakip ang pamamahagi ng gamot sa mga may sakit na prayoridad ng Local Government Unit. Siyempre, at madalas magamit ang ambulansiyang sa paghahatid ng kababayang nasa emergency ng mabilis na matingnan ng doktor sa pagamutan. At sa ilang malalayong pamayanan sa bansa, may mga sakit na ‘di nakikita ng mga manggagamot at doon na tinigilan ng paghinga sa layo’t kawalan ng pasilidad sa pagamutan.

Tunay na mahaba ang lakbayin ng programang pangkalusugan ng pamahalaan higit sa mga munisipyong sadyang malayo. Hindi kakitaan ng kasapatan ang mga programang ipinatutupad sa halip tila pinagkakakitaan sa kadahilanang ‘di tugma ang pasilidad sa pangangailangan. Susi sa epektibong paglaban sa sakit ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga ito higit ang madalas na lumalaganap sa kapanahunan. Dahil ‘di tugma ang programa sa kaganapan sa baba, maraming pondo ang nasasayang na magagamit sa edukasyon pangkalusugan ng mamamayan sa pamayanan. Ang pagtukoy ng tamang hakbang sa sakit ang mabuting paraan ng maiwasan ang mawalan ng buhay. At sa totoo lang, mainam na magkaroon ng sariling diskarte ang mga LGUs na batid ang kalagayan ng kalusugan sa mga pamayanan. Ang magkaroon ng grupong tututok sa edukasyong pangkalusugan sa pamayanan ang tamang hakbang ng bumaba o matigil ang sakit na madalas dumalaw sa lugar.

Ang paghahanda sa anumang kalagayan ang tamang hakbang ng ‘di lumaganap ng kung anong kamalasan. Sa pangkalusugan, mainam na magbuo ng grupong nagtuturo sa mga BHW at sa mga naninirahan sa pagpigil ng anumang sakit na dulot ng panahon. Gamit ang paraan ng PopED o popular education mas madaling magagagap ang mga punto na ituturo. Batid ng nakararami na ang kaalaman ang karaniwang hakbang sa pagsugpo ng ano man, maging ng sakit. At unti-unting paglakas ng kaalaman sa sakit sa bawat kapanahunan ang mabuting hakbang ng makaiwas sa sakit na karaniwan na ‘di na kailangang sa pagamutan. Sa totoo lang, nariyan ang programa na “doctors-to-the barrio” na epektibo sa pagpapalaganap ng kaalamang pangkalusugan. Ang paglalaan ng pondo sa programang ito’y pag-iwas sa sakit na maaaring dumapo sa pamayanan. Sec. Ted baka ibig dalahin ang iba’t-ibang programa ng PGH sa maraming pamayanan sa bansa ng mamulat ang maraming mamamayan sa usaping pangkalusugan.



Maganda ang konsepto ng doctors-to-the barrio na maaring tularan ng mga lalawigang malapit sa Kalakalang Maynila. Ang pakikipag MOA sa mga pamantasan na may MED School ang hakbang na magpapababa sa mga estudyante ng medisina bilang bahagi ng curriculum ang isang magandang paraan na ‘di magastos sa pamahalaan. At maaaring sumunod ang ilang LGUs sa programang bangit. Pag-isipan DOH maging ng DILG.

Sa Kagawaran ng Kalusugan, ang pag-iwas sa karamdaman ang hakbang na dapat ipalaganap ng maiwasan ng mawalan ng kaperahan. Ang pagkakaroon ng programang magbubukas sa kaisipan ng mamamayan ang bigyan tuon. Ang pagdalaw ng pasyenteng dala na agaw buhay tungo sa mga pagamutan ang mainam at matipid na paraan sa halip na harapang gamutan sa pagamutan. At sa pagamutan, sa dami na kailangan harapin ng mabilisan ‘di magkanda-ugaga ang mga doktor upang harapin at lapatan ng tamang gamot ang pasyente. At nariyan na iniisip na kung anong gamot o pasilidad ang mayroon ang pagamutan na magagamit o ibibigay bilang paunang hakbang. At sakaling ililipat sa ibang pagamutan na gawa na ang unang hakbang. Tunay na nakakapanghina na makita ang mahal sa buhay na ‘di sapat na malunasan sa mga pagamutan. Paano na si Mang Juan at ang katulad niyang harimunan kung magkasakit na ‘di sapat ang kaalaman?.



Sa Kagawaran ng Kalusugan o maging sa mga pagamutan batid ng mga ito ang halaga ng kalusugan. Ngunit ang pagmumulat sa mamamayan sa pagkakaroon ng programang pipigil sa sakit ang tamang hakbang. Laganap ang kahirapan sa bansa higit sa uri ng buhay na kinakaharap ng karaniwang tao na harimunan ang kabuhayan. Ang magkaroon ng mga “community- based program” na magmumulat sa marami na malaman ang mga karaniwang hakbang sa pagpigil ng sakit ang magandang hakbang na pag-isipan. Lubhang mahal ang magkasakit na ‘di kaya ng maraming Pinoy higit ng mga obrerong una ang kakainin sa halip na kalusugan. Ang kaalaman na mailap sa maraming Pinoy na kung paano harapin ang sakit na makakayang harapin sa tahanan ang ambag na ‘di malilimutan sa Kagawaran sa lipunan.

Tunay ang kasabihan na ang kalusuga’y kayaman dahil ang taong may sakit ‘di pansin ang yaman dahil ang nais ang pagbalik ng lakas ng katawan. Walang silbi ang salapi sa taong naghihingalo dahil sa pagpapabaya sa sarili. Sa pag-una ng magkaroon yaman at nakalimutan ang sarili ang bagay na kumitil sa hininga. Maraming tao ang nagsusumikap ng makaalis sa kahirapan dala ngunit nakalimutan ang katawan at ng siningil, buhay ang kabayaran. Walang saysay ang pinaghirapan na sa isang saglit iniwan ang lahat dahil siningil ang kalusugan. Maraming kaganapan na lumimot sa sarili upang ibigay ang karangyaan sa mahal sa buhay ngunit sa huli ang pagsisisi.



Sa Kagawaran ng Kalusugan, higit sa kalihim maging sa mga lider ng LGUs at DILG, batid na maraming harapin sa kagawarang tangan, subalit walang katapat ang malusog na pamayanan higit kung may kaalaman ang mamamayan na pipigil sa karamdaman. Hindi kalabisan na magkaroon ng grupo na magbibigay pag-aaral sa nasasakupan upang ipabatid na ang unang hakbang sa pagpapanatili ng kayamanan ay ang malusog na pangangatawan. Humakbang ng pasulong para sa kalusugang ng mamamayan.

Maraming Salamat po!!!