Advertisers

Advertisers

PNP, NBI, NADURO SA SUMBONG NG PERGALAN OPERATOR!

0 1,154

Advertisers

MATAPOS magtahi-tahi ng mga akusasyon laban sa maraming opisyales at miyembro ng Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang awtoridad at magsumbong sa ilang senador na sila ay kinokotongan ng abot-langit na payola, suhol o inteligencia, ay ratsada na naman ang vice operation ng mga pergalan (perya na pulos sugalan) maintainner sa ilang rehiyon ng bansa na ang sentro ng operasyon ay CALABARZON.

Parang multong sumulpot sa tanggapan ng senado ang grupong nagpakilalang kaanib ng malaking asosasyon ng mga magpeperya na sadyang hindi natin pinangalan pagkat kumpirmado ng SIKRETA na naghahanap lamang ang mga ito ng media mileage upang maisulong ang kanilang masama, pansarili at labag sa batas na motibo.

Kumpirmadong ang pakay ng asosayong binubuo lamang ng humigit sa 15 indibidwal ay ang iskandaluhin ang PNP at NBI nang sa gayon ay luwagan silang makapagpasugal na kalimitan ay sinasabayan pa ng pagbebenta ng droga, lalo na ng shabu sa kanilang naipatayong kunyari ay tradisyunal na peryahan sa nasasakupan ng Region 1- VI.



Sa mga naturang rehiyon ay pinakamalala ang operasyon ng pergalan sa CALABARZON area kung saan nakabase ang nagpapakilalang mga lider ng grupo na kinabibilangan ng isang alyas Evelyn, Boy No Good Life, alyas Glenda, Jessica, Gigi, Edith, Charlie, Wacky Bakla, Josie, Francia at iba pa.

Bitbit nina alyas Evelyn ang talaksang basurang resibo o gcash receipt na anila ay nagpapatunay na ang kanilang grupo ay nakapagsuhol na ng mahigit sa Php 10 milyon para di sila gipitin ng mga tong kolektor o “kapustahan” ng PNP, NBi at iba pa.



Bilang “pakunswelo de bobo” ay pinayuhan ni ex-PNP Chief ngayon ay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na pansamantalang ipatigil muna sa mga tong kolektor ang pangongolekta ng protection money habang humihingi pa ang kanilang kapulungan ng opinyon ng Department of Justice kung ilegal o labag sa batas ang sugal lalo na ang color game na siyang palasak na pasugal sa mga peryahan.

Nagmukhang kenkoy tuloy si Senador Bato pagkat noon pa mang PNP Chief pa ito ay hindi maikakaila na mas garapal ang tong koleksyon sa mga peryahang pinapatakbo ng naturang asosasyon?



Kilala noon pa mang kapanahunan ni ex-PNP Chief Bato bilang mga tahirang pergalista, ngunit di nabibigyan ng popularidad tulad ng iniuukol na pansin ng ilang mga senador sa mga naturang ilegalistang magpeperya.

Kasabay sa kahilingan ni Senador Bato na ihinto muna ang tong koleksyon sa peryahan ay pinayuhan din ng butihing mambabatas na itigil din ng mga naturang peryantes ang pagpapasugal sa kanilang mga pwesto pagkat sakaling may magreklamo laban sa kanila ay obligadong aksyunan ito ng mga kapulisan.

Dahil nakapagsumbong na sa mga senador, kampante na marahil si alyas Evelyn at Boy No Good Life, ang lider ng tiwaling grupo ng magpeperya na nangurag o natakot na sa kanila ang mga operatiba ng PNP pati na ang Criminal Investigation and Detection (CIDG) Director ni MGen. Romeo Caramat Jr. kaya’t libreng-libre na sila sa kanilang gambling con drug operation sa tapat ng Tita Els Restaurant, Brgy. Bagumbayan sa bayan ni Teresa Mayor Rodel dela Cruz at Police Chief Major Edsel Limbaga?

Ang isa pang pergalan nina alyas Evelyn sa dating sementeryo ng Brgy. San Juan, bayan ni Morong Mayor Sidney Soriano at Police Chief Major Rosalino Panlaqui ay naipasara matapos na salakayin ito ng mga tauhan ni MGen. Caramat Jr. noong nakaraang isang linggo at naaresto ang 14 na magsusugal at empleyado ng naturang gambling den.

Anim na sugarol at empleyado ang naaresto din ng CIDG Special Operation Unit sa kasunod na raid sa permanente o puesto pijo na pasugalan ni alyas Glenda sa Brgy. Santiago sa bayan ni Malvar Mayor Cristeta Reyes at Police Chief Capt. Nemecio Calipjo Jr. Hanggang kailan kaya mananatiling sarado ang mga gambling den na ito nina alyas Evelyn at Glenda?

Ngunit nakadidismayang nadiskubre ng ating mga KASIKRETA na may dalawa pang illegal gambling joint na patuloy ang operasyon ni alyas Glenda sa Brgy.Lumbang, sa hurisdiksyon nina Lipa City Mayor Eric Africa at Police Chief LtCol. Rix Villareal at sa Brgy. Pinagtong-olan sa bayan ni San Jose Mayor Bien Patron.

May talamak ding pergalan ang isang alyas Charlie sa Brgy. Kayumanggi sa siyudad ng Lipa; Jessica sa bayan ng Talisay at alyas Wacky Bakla sa Brgy Bolbok sa munisipalidad ng Taal, pawang sa Batangas.

Matagal namang inirereklamo ang pergalan na nasa tapat lamang ng Manuel Enverga University Foundation sa Maharlika Highway, sa bayan ni Candelaria, Quezon Mayor Ogie Suayan ngunit hindi ito sinasawata ni Police Chief Lt Col. Bryan Merino.

Dapat tularan nina Rizal PNP Provincial Director Col. Felipe Maraggun, Batangas PNP Provincial Director Col. Samson Belmonte at Quezon PNP Provincial Director Col. Ledon Monte si CIDG Chief MGen. Caramat Jr. at mga operatiba nito na di naandap o nagpaduro sa mga ilegalistang magpeperya kahit kanino pa man Poncio Pilato ang mga ito magsumbong…

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144