Advertisers

Advertisers

Cignal HD nakamit ang 2nd win sa PNVF Champions League

0 6

Advertisers

WINALIS ng Cignal HD ang Philippine Navy, 25-15,25-21,27-25, upang mangibabaw sa Group A sa preliminary round ng Philippine National Volleyball Federarion (PNVF) Champions League sa Rizal Memorial Colesium Martes.

National team spiker Joshua Umandal umiskor ng 19 points,15 attacks, para pamunuan ang HD Spikers sa kanilang ikalawang wagi sa eight-team event na inorganisa ng PNVF, na pinamumunuan ni Ramon “Tats” Suzara.

Gumawa rin si Umandal ng three blocks, eight points sa 40-minute third set.



Skipper JP Bugaoan nag-ambag ng nine points habang si Lloyd Josafat at Wendell Miguel bumakas ng tig- anim na puntos para sa Cignal, na winalis rin ang College of Saint Benilde,25-19,25-21,25-20, Linggo.

Opposite hitter Joeven dela Vega umiskor ng 16 points, nine sa third set, para pangunahan ang Philippine Navy, na nalasap ang kanilang ikalawang kabiguan sa tournament.



Team captain Greg Dolor nagdagdag ng 12 hits at one block habang middle blocker Peter Quiel bumakas ng five points.

Samantala, VNS Asereht umasa kay opposite hitter Kevin Montemayor at spiker Charles Jordan Segui para idispatsa ang Philippine Army sa kanilang unang tagumpay sa Group B.



Montemayor at Segui umiskor ng tig-14 puntos para sa Griffins, na nagbulsa ng bronze medal nakaraang taon.

Spiker Kenneth Culabat nagdagdag ng 13 points habang si Ralph Lacuanan umiskor ng seven points,kabilang ang two blocks. Iloilo ay nasa tuktuk ng Group B na may 2 panalo.