Advertisers
NAGTALA si Nikola Jovic ng career na five 3-pointers at 24 points upang tulungan ang short-handed Miami Heat sa dikdikan na 123-97 wagi laban sa host Milwaukee Bucks Martes ng gabi sa Fiserv Forum.
Duncan Robinson tinapatan ang kanyang season high na six 3- pointers at nagtapos sa 23 points para sa Miami, na lumamang ng mahigit sa 31 at nagwagi ng limang beses sa nakalipas na seven games.
Tyler Herro at Kevin Love umiskor ng tig-19 points, habang si Bam Adebayo nerihistro ang kanyang seventh career regular-season triple-double na 16 points,12 rebounds at 11 assists.
Giannis Antetokoumpo pinamunuan ang Milwaukee sa iniskor na 23 points,11 rebounds at eight assists. Damian Lillard,Malik Beasley at Bobby Portis Jr. nagdagdag ng tig-16 puntos.
Jaime Jaques Jr. nag-ambag ng 12 points para sa Miami, na sinimulan ang kanilang six-game road trip by shooting 51.7 percent mula sa field at 19 of 40n (47.5 percent) mula sa 30 point range.
Jimmy Butler (personal), Josh Richardson (dislocated right shoulder) at Terry Rozier (sprained right knee) lahat ay wala sa laro ng Miami, na sinimulan ang kanilang 29th different lineup sa 54 games ngayon season.