Advertisers

Advertisers

260 live-in partners, sabayang ikinasal noong Valentine’s Day

0 27

Advertisers

MAY kabuuang 260 lived-in partners na nagsasama sa Maynila ng walang basbas ng kasal ang sama-samang ikinasal sa mismong Araw ng mga Puso o Valentine’s Day.

Ang mass wedding, na buong-buo na sinuportahan ni Mayor Honey Lacuna, ay proyekto ni Vice Mayor Yul Servo sa ilalim ng programang, ‘Lingkod Manilenyo.’

Pinasalamatan ni Servo si Lacuna sa pagtulong nito upang maisagawa ang mass wedding sa pamamagitan ng pagpapakilos sa lahat ng local government units kung saan ang kanilang partisipasyon ang isa sa dahilan upang maging matagumpay ang proyekto.



Ang mass wedding na tinawag na ‘Kasalang Bayan,’ ay ginawa sa Paco Park, Manila noong February 14, 2024.

Sinabi ni vice mayor na ang mass wedding ay bahagi din ng taunang selebrasyon ng buwan ng kanyang kapanganakan. Ang kaarawan ni Servo ay February 22.



Noong isang taon, daan-daang pares ang nag-avail ng libreng kasal, kung saan sila ay legal ng kasal sa ilalim ng Roman Catholic rites.

Nabatid na nagpakalat ng impormasyon sa lahat ng distrito ng Maynila para sa mga nagsasama ng walang basbas ng kasal, lalo na sa mga qualified. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">