Advertisers
Sa nagdaang buwan at linggo, patuloy na bumababa ang antas ng krimen sa Quezon City na binabantayan ng Quezon City Police District (QCPD) na pinamumunuan niu PBGEN Redrico A Maranan.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng QCitizens na ang QCPD ang siyang nagmementina ng kaayusan at katahimikan ng lungsod. Sa anong paraan para mapanatili ang peace and order sa Kyusi?
Ang lahat ay nakadepende sa kakayahan ng QCPD …at siyempre sa tulong din ng mamamayan.
Kaya para mapanatili ang tahimik na pamumuhay sa lungsod at malayang nalalakad saan man sulok ng lungsod ang QCitizens maging ang mga bisita ng lungsod, ginagawa ng QCPD ang lahat — kampanya laban sa iba’t – ibang klase ng krimen maging ang pagsugpo sa pagkakalat ng ilegal na droga.
Kaliwa’t kana na ipinatutupad ni Maranan ang kanyang mga inilatag na program laban sa krimen sa lungsod. Ito naman ay matagumpay sa tulong ng kanyang command group, directorate staff, station commanders, operational units gaya ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) na pinamumunuan ni PMaj. Dondon Llapitan, District Drug Enforcement Unit (DDEU), District Police Intelligence Unit (DPIOU), District Intelligence Division (DID).
Katunayan, nito ngang mga nagdaang buwan at linggo ay bumaba at patuloy na bumababa ang krimen sa lungsod, lalo na ang sinasabing walong krimen sa lungsod. Bumaba ito ng hanggang 25 porsiyento.
Particular na bumaba ang mga kasong homicide, murder, physical injury, rape, theft, robbery, at car at motorcycle theft.
Hindi lamang ito, kung hindi ang parating matagumpay na kampanya ng QCPD laban sa ilegal na droga – sa araw-araw na giyera laban sa droga, nakakadakip ang pulisya ng mga bigtime pusher at street pusher kung saan ay nakukumpiskahan ng droga.
Sa pagpapatupad ng giyera laban sa droga, halos ubos na ng QCPD ang mga tulak na na naka-base sa lungsod at sa halip ang mga nadadakip na ngayon ay pawang mga dayo o taga labas ng QC kung saan ginagawa ang transaksyon sa lungsod pero, hindi sila umubra sa QCPD.
Bunga ng pagsisikap at dedikasyon ni Maranan at ng bumubuo ng QCPD, binigyan halaga ito ng PNP National Capital Regional Police Office (NCRPO) makaraang parangalan ang QCPD bilang second place sa Regional January Unit Performance Evaluation Rating (UPER).
Para sa buwan ng Enero 2024, binigyan ng outstanding rating na 96.16% ang QCPD para sa Regional UPER.
“This remarkable accomplishment underscores the QCPD’s effectiveness in various aspects, including crime prevention, community engagement, and overall efficiency in upholding peace and order within its jurisdiction”, ayon sa NCRPO.
“Securing second place in the Regional January UPER Rankings is a testament to the hard work and dedication of every member of the QCPD. To further excel, we remain steadfast in our commitment to serving and protecting the community and continuing our efforts to implement innovative strategies and community outreach programs aimed at enhancing public safety and fostering positive relationships with QCitizens”. “Congratulations to all QCPD personnel for your collaborative efforts that made us get this achievement. Keep up the good work!”, pahayag naman ni Maranan.
Sa inyo Gen. Maranan at sa bumubuo ng QCPD, congratulations! To God be the glory.