Advertisers

Advertisers

Grab, ‘di authorized mag-operate ng MC taxis – LTFRB

0 86

Advertisers

SINABI ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na hindi authorized ang Grab company na mag operate ng Motorcyle Taxi.

Nakasaad ang naturang komento ng LTFRB sa sagot ni LTFRB Chairman at MC Taxi Technical Working Group Teofilo Guadiz sa sulat ni Atty Noel Valerio ng Maderazo Valerio and Partners na nagtatanong sa TWG kung pinayagan bang mag operate ang Grab bilang isang MC Taxi service.

Kaugnay nito niliwanag ni Chairman Guadiz kay Valerio na hindi inoortorisahan ng TWG ang Grab na mag-operate bilang isang motorcycle taxi Service kaya walang dahilan para makasama ito sa pilot study para sa MC taxi.



Samantala, sa naturang komento sinabi ni Guadiz na tanging Joyride, Angkas at Move It ang pinayagan at inotorisahan ng TWG para makiisa sa ginagawang pag-aaral nila hinggil sa usapin ng MC taxi operation sa bansa.

Idinagdag pa sa paliwanag ni Guadiz na nagpadala na ang TWG sa Grab ng notice para sagutin kung bakit may ulat na illegal itong nag ooperate ng motorcycle taxi services sa Metro Manila at Cebu gayung wala itong permit at hindi ito MC taxi operator.



Kaugnay nito ang naturang pahayag na ito ni Guadiz, isa namang welcome development para kay Atty. Ariel Inton ng Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP) dahil nalinaw na rin ng TWG na ang Grab ay walang karapatan at walang legal mandate na mag operate ng MC taxi service.

“Even the Philippine Competitive Commission and some of our esteemed Senators and members of Congress have spoken out against Grab who seeks to dominate the TNVS and MC Taxi business in the Philippines. It is with great gratitude that we thank Chairman Guadiz for having the fortitude to stand up against this foreign player with well documented history of abuses against the Filipino people and even its own drivers,”sabi ni Inton.(Boy Celario)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">