Advertisers
DUDA si Malacañang spokesperson Salvador Panelo sa ipinakikitang loyalty ni Senator Imee Marcos sa pamilya Duterte.
Sa isang panayam, umiwas si Panelo na sagutin ng diretso nang tanungin hinggil sa sinseridad ni Sen. Marcos sa mga Duterte.
Sinabi ni Panelo na nagkaroon na siya ng “unpleasant experience” kay Sen. Marcos.
Hindi sinabi ni Panelo kung ano ang naging hidwaan nila ng Senadora.
“Sen. Marcos knows what I’m referring to,” sabi ni Panelo.
Pero ibinunyag ni Panelo na si Sen. Marcos ay hindi kasama sa inner circle ng kanyang kapatid, President Ferdinand Marcos Jr., kahit noon pang presidential campaign.
Ang hindi pagsama kay Sen. Marcos sa administrasyon ang dahilan kaya napilitan ito na dumikit nalang sa kampo ng Duterte, paniwala ni Panelo.
Aniya, sa nalalapit na eleksiyon 2025, si Sen. Marcos ay walang masasandalan kundi ang sumanib sa kampo ni Duterte matapos siyang isantabi ng sarili niyang partido.
“In such a scenario, one would naturally gravitate towards Duterte’s group, as there are no other viable options,” giit ni Panelo.