Advertisers

Advertisers

Misis nanganak ng ‘ahas’

0 7

Advertisers

APAT na buwan sa kaniya umanong pagbubuntis, nakaramdam ng pananakit ng tiyan ang isang ginang na nakatira sa kabundukan ng Davao Jose Abad Santos, Davao Occidental, at nang humilab ang kaniyang tiyan, isang ahas ang lumabas at ipinakita rin nila sa kanilang mga kapitbahay.

Inihayag ng magkarelasyon na Sheila at Mario, hangad pa nila na muling magkaanak nang mabiyayaan ng anak na babae.

Kaya noong Oktubre, laking tuwa nila nang mag-positive sa ‘pregnancy test kit’ si Sheila. Pero sa ika-apat na buwan palang ng kaniyang pagbubuntis ay nakaramdam na ito ng pananakit ng tiyan, hanggang sa iluwal nga niya ang ahas na kulang sa buwan at patay na.

Pero dahil wala nang lumabas na iba pa, hinihinala nina Sheila na may sanggol pa sa kaniyang tiyan at posibleng kambal ang nasa kaniyang sinapupunan.

Ayon kay Mario, yellow green ang kulay ng ahas, may ulo at mata, at tinatayang anim na pulgada ang haba.

Dahil patay na, ibinalot nila sa tela ang ahas at ipinakita sa iba nilang kapitbahay bago nila inilibing.

Ayon kay Sheila, hindi nila nakunan ng larawan ang ahas dahil walang cellphone sa kanilang lugar.

Hindi pa nasusuri ang kaniyang pagbubuntis at may nararamdaman parin siya sa kaniyang sinapupunan.

Sa simula, walang nadinig na heartbeat sa sinapupunan ni Sheila kaya inirekomenda na ipa-ultrasound siya at doon may natuklasan ang duktor.