Advertisers

Advertisers

Balikang Bea at Dominic nabuking

0 33

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MARAMI na ngang sitsit na nagkabalikan or nagkaayos na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Kahit nga sa vlog ni Papa O ay naging pulutan na nagkabalikan na sina Bea at Dom.



Sa kabila na wala pang pag amin sa dalawa ay need daw na sa kanila marinig na okey na sila.

May mga sitsit nga na bago pa mag Singapore si Bea kasama ang family ay doon daw natulog si Dominic sa bahay ng aktres.



Kahit nga ang tropa ni Papa O or Ogie Diaz ay di naman alam kung saang parte ng bahay ni Bea natulog si Dominic.

Pagbalik ni Bea at family galing Singapore ay muling nakitulog si Dominic sa sofa ng sala ng aktres.



Kahit nga raw ang kapitbahay ng aktres ay nagpapatunay na nandun sa house ni Bea ang aktor na kanyang ex fiancee.

Naispatan daw ng kapitbahay na nakaparada sa harap ng bahay nina Bea ang kotse ni Dominic.

***

Kasal nina Catriona at Sam di pa kanselado

MALAKAS ang bulung bulungan na posible pang matuloy ang kasalan nina Catriona Gray at Sam Milby.

May mga sitsit kasi na alam ng supplier na postponed lang ito at di pa cancelled.

Kaya naman malakas ang kutob ng netizens na posibleng matuloy pa ito matapos na sabihin ng kanilang management na inaayos pa ang isyu sa pagitan nina Sam at Catriona.

All set nga raw kasi at sayang naman kundi matutuloy sey pa ng mga sitsiterang Maritess.

Kaya wag na mag wonder or magulat if ever matuloy ang kasalan  nina Sam at Catriona.

Well, well, well…’Yun na!