Advertisers
Gud evening po, Kap Sherwin ng Anabu1-D, Imus, Cavite. Pano po makakapag-aral ng module ang mga bata ng maayos kung hindi matigil ang kantahan at inuman dito sa Doyet? Kahit tanghali ang iingay po, laging may nagbi-videoke, ang lakas pa po. Kahit gabi ang iingay. Kapag sinabihan naman po, mga galit pa. Ang akala ko po bawal? Sana po tutukan nyo naman ang Doyet. Kap, pwde po ba yun? Kahit po walang okasyon pwedeng mag-inuman at magkantahan? Buti po hindi nakakagambala ng kapitbahay. Okey lang sana e kawawa naman po kaming nagtatrabaho ng gabi. Hindi makatulog ng maayos dahil sa ingay. At isa pa po, bakit pinapanigan ng brgy ang mga dayo na laging naghahamon ng gulo, yun pong mga taga-Bikol na lagi nalang nagpapa-blotter dyan sa brgy. Kaya lumalaki ang mga ulo ng tarantado. Yun mga nangungupahan dyan sa orange na pag-aari ni Letty Silla. Sana po pakinggan nyo rin ang mga kabataan ng Doyet at alamin nyo kung sino talaga ang nag-umpisa. Dahil marami ang nakakaalam kung sino talaga ang nag-umpisa. Sana wag lagi ang kabataan ng Doyet ang laging pag-initan ng ulo nyo. Yan pag (evi pakinggan ) dyan sa dulo wag kang makikialam lalo na kung wala kang alam. Wag nyong pag-initan ang mga kabataan. Imbes na tayo ang magturo ng mabuti, tayo pa ang kumukunsinte sa mga mali nila. Sa bagay may kasabihan nga naman: Ang TAMA nagiging MALI, ang MALI nagigingTAMA. – Concerned citizen
Gusto matanggal ang tserman ng Bgy. 61, Tondo
Gud am po. Kami po taga-Parang Tabing Ilog. Sakop po kami ng Barangay 6l sona 5. Ang chairman po dito si Edgardo Pojas. Sana po sa 98 chairman na matatanggal, sana po mapasama itong chairman namin. Dahil po mula nagbigay ng SAP ang gobyerno hindi po kami nabigyan, pati po ayudang pagkain, mga spaghetti galing kay Meyor Isko Moreno hindi rin po nakarating sa amin. Ang hiling po namin na taga-Parang Tabing Ilog ay matanggal sa pwesto itong chairman. Lalo na po pamilya ni Junior Arebuabo ne isa hindi nakatanggap ng ayuda. Yun lang po. – Villanueva family