Advertisers

Advertisers

Gerald mamahaling relo ang b-day gift sa labs na si Julia

0 12

Advertisers

Ni BETH GELENA

MAY sweet comment si Gerald Anderson sa IG Page ni Julia Barretto.

May binahagi kasing mga larawan ng camping trip ang actress.



Ang caption niya: “Happy campers.”

Ang daming netizens na nagkomento



conveying their happiness for Julia.

Ang isa sa nagkomento ay ang boyfriend ng aktres na si Gerald.



Sey ng actor: “Happy campers”

“legit with heart emojis”

Nag-celebrate si Julia ng kanyang 27th birthday last March 10.

Camping adventures ang ginawa niya sa selebrasyon ng kanyang kaarawan.

Ang kanyang ate Dani Barretto ay may sweet birthday message sa kapatid: “My OG baby girl”

Komento naman ng supporters ng aktres, “Ganda ng place! Ganda ni Julia!” “I love you, Julia.”

Ang ama niyang si Dennis Padilla ay may posted throwback photo nila ni Julia sa kanyang IG account at nilagyan ng caption  “Dear Juy… Happy birthday anak… God bless you more!! Love you. Papa.”

Kamakailan lang bago dumating ang kaarawan ng aktres ay nainterbyu siya sa Magandang Buhay.

Natanong siya sa breakup rumors na kanyang na-experience.

Karelasyon kasi niya ngayon ang ex ni Bea Alonzo na si Gerald.

Ayon sa aktres, compliment daw sa kanya  that she and Gerald managed to protect their “private bubble.”

Nga pala, ang birthday gift ni Gerald sa girlfriend ay isang expensive Cartier watch.

Sabi ng commenter: “gusto ko yung pagmasahe ni gerald sa pagkakayakap sa kanya ni julia. sila na talaga ang para sa isa’t isa.”

***

Nilinaw ni Mommy Sylvia…

ARJO HINDI TATAKBONG MAYOR NG KYUSI

MAY bulung-bulungan na tatakbo umanong Kyusi mayor si Congressman Arjo Atayde.

Nagulat ang ina ni Cong. Arjo na si Sylvia Sanchez nang ma-interview siya ni Aiko Melendez at matanong sa kanya ang bagay na ito.

Ani Ibyang: “Imposible ‘yun.”

Mismong sila raw mag-asawa (Art Atayde) ang hindi papayag na tumakbo bilang mayor si Arjo ng Quezon City.

Si Arjo ay kasalukuyang congressman ng unang distrito ng Kyusi.

May plano raw kasing tumakbo bilang alkalde ang mister ni Maine Mendoza kapag natapos ang kanyang termino bilang Congressman.

Agad naman itong tinuldukan ni Sylvia.

“Unang-una, ayaw ‘yan ni Cong. Arjo. Matimbang kay Arjo ‘yung utang na loob,” paliwanag ni Ibyang. “Sinasabi nga na dito sa politics daw hindi raw ino-honor ‘yung salitang utang na loob. Pero hindi. Hindi ganu’n ‘yun si Arjo. Sa kanya ang tumulong sa kanya, ang nagpapasok sa kanya dito naging mentor niya si Mayor Joy Belmonte. Sinabi niya talaga sa’kin, hindi ko lalabanan si Mayor Joy Belmonte. ‘Yan ang nanay ko dito,” giit pa ng award winning actress.

“Hindi po lalaban si Arjo kay Joy Belmonte. Imposible ‘yun. Una, aayawan ni Arjo, pangalawa aayawan naming mag-asawa. Mahal ni Mayor Joy si Arjo.”  Nabanggit din ni Sylvia na congressman pa rin ang posisyong nais na pasukin ni Arjo sa halalan 2025.

***

MEGAN HUMINGI NG SORRY SA NANGYARING INSIDENTE SA MISS WORLD 2024

HUMINGI ng sorry ang former 2013 Miss World Megan Young sa nangyaring insidente sa Miss World 2024.

Nakuhanan kasi ng video ang pag-ayos niya ng hair ni Miss Botswana habang nasa stage sila.

Nag-viral ang nasabing scene sa social media platform.

Ayon sa Kapuso actress, wala siyang intention na i-invade ang personal space ng mga kandidata.

Very apologetic na humingi ng paumanhin si Young sa social media.

Aniya sa kanyang mahabang heartfelt apology letter posted on her Facebook official page:

“Last night during the final, I fixed Lesego Chombo’s (Miss Botswana) hair on stage. I wanted to offer a helping hand but I failed to oversee the bigger picture. This coud have caused distress during that moment and I have been made aware that culturally, this is unacceptable. We have spoken privately last night at the hotel and I have apologized to Lesego in private. To those who witnessed the incident, I also want to apologize for any discomfort or confusion my actions may have caused. It was a thoughtless and disrespectful act, and I take full responsibility for it. I assure you that it was not my intention to invade personal space or make anyone feel uncomfortable. I deeply regret my actions and will strive to be more mindful and respectful in the future.”

Si Megan ang first ever Pinay na nanalong Miss World nu’ng 2013.

Married na siya ngayon sa Kapuso actor na si Mikael Daez.