Advertisers
MILAGRO nga bang masasabi kung 10-20 beses kada buwan mananalo ang isang tao saLotto draw dito sa Pinas? May natatago umanong kababalaghan sa bola ng lotto dahil sa natuklasan mula sa listahang nakuha mula sa PCSO mismo ni Sen. RAFFY TULFO, Chairman of Senate Committee on Games and Amusement na 20x nanalo ang isang tao at 10x ang isa pa sa loob ng isang buwan
Sa imbestigasyon ng Senado, unang nagpaliwanag ang PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE (PCSO) tungkol sa viral edited photo ng isang winner na kinubra ang panalong tseke at dinumog sa social media ang post dahil sa pagdududa.
‘We have to protect the identity of the winner Meron pong nagreklamo nung una na edited ang face pero sa damit daw nakilala’, kaya kailangan i-conceal ang identity sa pag-edit ng damit.‘If there is something to apologize, it’s the poor editing’. Naungkat din ang Electronic Lotto (E Lotto) na karaniwang winner ang OFW’s na nag-invest sa PCSO. Nakwestyon pa ang Small Town Lottery (STL) na kumikita sa 3-Digit game, kung saan ang P1 (piso) ay tatama ng P600, dating hawak ng small outlets na naipatitigil pag mababa ang sales.
Ayon sa panayam kay PCSO Gen. Manager MEL ROBLES, walang nananalo for 20 times sa Lotto jackpot. Ang panalong P10K and above ay sa PCSO designated branch/office pwedeng i-claim at ang amount below ay pwede na sa outlet.Pwedeng manalo sa maliitang game up to P100k ang prize.
Sa maraming PCSO controversies na umiikot, patuloy ang imbestigasyon ng Senado. Abangan! .
JAMIE MALONZO, HIRAP
SA HAGUPIT NG ISYU
HABANG pinagdaraanan ni GILAS/GINEBRA starplayer JAMIE MALONZO ang hagupit ng isyung pagkakabugbog sa kanya ng isang MMA fighter sa isang KFC resto na relative pa umano ng katropa niya,pilit pinatutunayan nito ang worth bilang starcager ng Pinas, humirit ng career high 32 pts, 8 rebs, 3 assts at 2 stls sa nagdaang win game ng GINEBRA, 113-107 vs RAIN OR SHINE. Ayaw din ng GIN KINGS led by winningest Coach TIM CONE na pag-usapan pa ang experience ng cager, focus na lang sa basketball. Well, after all, sa labas nangyari, di sa hardcourt. Pwede nga bang balikan, kasuhan ang fighter? Let’s wait and see.
PBA D LEAGUE, ARIBA!
BUKAS na po ang PBA D LEAGUE ASPIRANTS CUP 2024 Games ngayong Huwebes, March14 sa FIL-OIL ECOOIL CENTER sa San Juan City. Laro ng Go Ttraku-St. Claire College vs Marinerong Pilipino San Beda, 4:30 pm, susundan ng Eco-Oil DLSU Green Archers, 7:30 pm.at mapapanood, Live via RPTV Channel 9, PBA RUSH, PILIPINAS LIVE app. sa linyang ‘The RoadToThe PBAStars Here’. I-follow na po ang favorite aspiring pro cagers.
MARCH HEYDAYS
HAPPY BIRTHDAY to ERNESTO ‘Kuya TING’ VICTORINO, Mandaluyong Multi-Purpose Cooperative (MMPC) Head, Mandaluyong LGU, JOSHUA ‘JOSH’ YABUT of Camella Homes,Cabanatuan City, N.E., to MYRA NIVIAR SANTOS of Gen.Trias, Cavite, Mam GRACE OMEGA & Mam EMMA VILLANUEVA , both of AUPC. May you have the best blessings. HAPPY READING!