Advertisers
TULOY ang martsa ni Alexandra Eala patungo sa final ng WTA 125 Birmingham Open matapos niyang talunin ang Swiss na si Rebeka Masarova, 6-2, 4-6, 6-3, Sabado ng gabi sa Edgbaston Priory Club sa United Kingdom.
Ang top-seeded na si Eala, na naglalaro sa kanyang unang grass-court tournament ngayong season, ay haharap sa kanyang doubles partner, ikalimang seed na Czech Nikola Bartunkova, na tinalo ang Amerikana na si Aslyn Krueger, 6-4, 7-6 (7).
Si Eala at Bartunkova ay natalo sa No.2 British pair na sina Dart Harriet at Maia Lumsden, 4-6, 6-2, 11-9, sa unang round.
Eala, na ranked No.37 sa buong mundo, ay tinalo si Thai Mananchaya Sawangkaew, 6-3, 6-2, sa quarterfinal.
Tinalo rin niya si Sawangkaew, 6-1, 6-2, sa final ng Southeast Asian Games sa Thailand noong Disyembre, na nagtapos sa 26 na taong paghihintay ng Pilipinas para sa gintong medalya sa women’s singles.
Ang iba pang panalo ni Eala ay laban sa Australyanang si Priscilla Hon, 6-0, 6-2 (Round of 32) at Ruso na si Alina Charaeva, 6-2, 7-5 (Round of 16).
Samantala, tinalo ng World No. 69 na si Bartunkova ang Amerikana na si Harriet Dart (3-6, 6-3, 7-5) sa unang round, kapwa niyang kabansa na si Gabriela Knutson, 6-4, 7-6 (4), sa ikalawang round, at Britanang si Mika Stojsavljevic, 6-4, 6-7(8), 7-6(4), sa quarter finals.