Advertisers
Nananawagan si Senadora Risa Hontiveros Chairperson ng Senate Committee on Women’s Children Family Relations and Gender Equality sa mga kasamahang senador na wag hayaan na maliitin ang institusyon ng Senado.
Aniya dapat ipaglaban na respituhin ni Kingdom of Jesus Christ The Name Above Every Name Inc Leader Pastor Apollo Quiboloy ang senado at dumalo sa isinasagawang pagdinig ng senado.
Pinaliwanag ni Hontiveros na matapos na kanilang reviewhin ang naging dahilan ng kampo ni Quiboloy hindi sila kuntento kundi inulit lamang ang mga naunang dahilan sa hindi pagdalo sa Senate hearing tulad ng pagkwestyon kung in an aid of legislation ba ang isinasagawang pagdinig.
Iginiit pa ng senadora sa kanilang isinasagawang pagdinig, ilang beses inulit-ulit aniya ng senadora yung mga areas for additional legislation na lumilitaw dahil sa mga paratang sa pastor tulad ng pagkakasangkot ng religious groups sa human trafficking, child at women’s abuse, paglabag sa labor code na makakaapekto sa tinatawag na religious freedom.
Binanggit din ni Hontiveros ang sinabi ng abugado ni Quiboloy na fake news ang 17 kundisyon na kahilingan ng pastor kapalit ng pagdalo sa senado na kalaunan ay inamin ng lider ng KOJC base sa video na ipinakita ni Hontiveros.
Nilinaw din ng senadora na hindi sila hukom at ang senate resolution ay walang epekto sa pagpapatupad ng batas. (CESAR MORALES)