Advertisers

Advertisers

MGA RIDER AT TRICYCLE DRIVER, NAGIGING SUKI NA NG MGA TRAFFIC ENFORCER

0 42

Advertisers

Kahabag-habag naman ang kalagayan ng mga rider at mga tricycle driver na kung saan sila ang nagiging suking hulihin ng mga traffice enforcer sa Maynila.

Sa dami daw ng mga motorista ay sila na lamang palagi ang sini-sita sa tuwi-tuwina saan man sulok ng lungsod maging sa mga sidestreet at national road.

Sinabi ng ilan rider na uumpisahan daw sila sa hindi pagsu-suot ng helmet hanggang sa hanapin na sa kanila ang mga dokumento tulad ng driver’s license, OR-CR, rehistro at marami pang iba.



Matapos na maipakita ang mga papeles, violation din daw ang nagma-maneho ng naka tsinelas, naka-sando at short pants. Hindi daw talaga makakalusot dahil lahat ng butas ay hahanapin ng mga ito.

Malulupit daw talaga ang mga traffic enforcer na ito partikular na ang mga personnel ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na nakapwesto halos sa lahat ng mga sulok at kanto ng siyudad.



Kung minsan nga daw ay nakakubli pa ang mga ito upang di makita,bigla na lamang daw itong susulpot kapag may nilabag ka ng traffic violation. Taguan-Pong daw ang laro.

Pera-pera lang anila ang ginagawang pagsita ng mga enforcer dahil wala naman daw ini-isyung citation ticket upang sa city hall mo tubusin ang iyong lisensiya.



Meron naman daw ibang enforcer na kukunin ang iyong lisensiya at sa kanila mo rin ito tutubusin segun sa nalabag na traffic violation at pinag-usapan.

May iba naman grupong kung tawagin ay pangkalahatan na kung saan lahat ng mga kumpiskadong lisensiya ay iniipon at sasabihin na lang sa inyo ang lugar kung saan sila tatagpuin. Dito na rin daw ang tubusan. HE… HE… HE…

Kung minsan daw ay inuunawa na lang nila ang kalagayan ng mga ito dahil sa wala naman daw permanenteng sahod at tanging allowance lang ang inaasahan. Eh saan nga naman kukuha ng pangkain ng kanilang mga pamilya ang mga ito.

Napag-alaman din na may kota ang mga ito at porsyentuhan lang ang laban kung kaya’t walang ibang gagawin kundi manghuli ng marami upang may kitain.

Ilan din ang nagsasabi na mismong ang buong departamento ng MTPB ay inoobliga rin ng city hall na mag-intrega ng kung ilan milyon kada linggo, may kota rin pala.

Ang MTPB daw ang milk and honey ng buong city hall. Dito daw inaasa ang lahat ng gastos at panggastos ng ilan opisyal at liderato ng nasabing establistamento.

Dahil nga sa obligasyong inatang sa kanila, hindi rin maiiwasan ang manghuli o’ di kaya’y humatak ng mga motor at tricycle na nasa kalsada.

Umaandar man o’ nakaparada lang , siguradong ito ay dadalhin at obligadong tubusin sa kanilang mga impounding area. Pinaka-mababang gastos dito ay P1,000 segun pa rin sa bigat ng iyong violation na nilabag.

Maging sa mga tinalagang mga police checkpoint ay walang ibang sasakyang sinisita kundi mga motor, tricycle at pedicab lang.

Kawawa rin naman talaga ang tadhana ng mga ito dahil bukod sa abala ay gagastos pa rin sila imbis na pangkain na lang ng kanilang mga pamilya.

Bakit nga naman puro na lamang sila ang napapag-diskitaan na ang madalas na nagiging kaso ay obstruction at illegal parking.

Kung ito nga naman ang pagbabasehan, bakit daw hindi hinuhuli o’ sinisita man lang ang mga naglalakihang mga cointainer van na nakaparada kung saan-saan.

Pumasyal daw kayo sa mga lugar ng Road 5, Road 10, Moriones, Port Area at marami pang iba upang saksihan ang parking lot ng mga sinasabing mga container van.

Maging ang tulay ng Del Pan ay halos mapuno ng container van na ubod ng laki, Ito nga naman ang tunay na obstruction na kung saan maraming motorista ang naaabala.

Huwag sanang palagi na lang mga motor at tricycle ang ating aabalahin at gagawing palabigasan habang panahon.

Bakit nga ba hindi masaling ang mga higanteng mga van at truck na nakahambalang sa mga national road at highway, M A G K A N O???